Mistulang eksena mula sa pelikula ang sumalubong sa mga pulis sa Kibawe, Bukidnon matapos matuklasan ang bangkay ng isang 75-anyos na babae.ay at sinunog ng isang 37-anyos na lalaki na umanoy naniwala na siya ay isang mambabarang o mangkukulam.

75-anyos na lola, brutal na pinatay dahil pinaghinalaang siya ay mambabarang75-anyos na lola, brutal na pinatay dahil pinaghinalaang siya ay mambabarang (📷Bukidnon PPO via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Ayon sa imbestigasyon, pinaghahampas muna ng suspek ang biktima gamit ang tuyong tangkay ng niyog bago ito tuluyang sunugin gamit ang mga tuyong husk, tangkay, at dahon ng niyog.

“So gipalo niya sa niyog yung dry na stalk. Eventually, nawalan ng malay, tuloy-tuloy na siya gisunog niya yung tao,” pahayag ni Major Jayvee Babaan, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office.

Nangyari ang insidente bago magtanghali noong Sabado, Hulyo 26, 2025 ngunit iniulat lamang ito sa mga awtoridad kinabukasan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang suspek ay dumaranas umano ng depresyon matapos siyang iwan ng kanyang asawa. “Base sa information na bag-o lang siya gihiwalayan sa asawa niya, depressed ito na tao.

Upon checking sa record, former surrenderee siya, drug-user siya dati,” dagdag pa ni Babaan. Sa kabila ng karumal-dumal na krimen, kusang-loob umanong sumuko ang lalaki at inamin ang ginawa. Nahaharap siya ngayon sa kasong murder.

Sa kabila ng pag-usad ng siyensya at edukasyon, malalim pa rin ang paniniwala ng ilan sa mga bahagi ng Pilipinas sa mga tinatawag na mangkukulam o mambabarang.

Madalas na isinisisi sa mga ito ang mga hindi maipaliwanag na pagkakasakit, kamalasan, o trahedya. Sa ilang lugar, ang paratang na ito ay maaaring magbunsod ng karahasan, lalo na kung hindi agad ito naaksyunan ng mga awtoridad o kung may mental health issues na sangkot.

Noong nakaraang taon, iniulat ng Kami.com.ph ang malagim na sinapit ng mag-asawang senior citizen sa Negros Occidental matapos silang pagbintangang mga mangkukulam ng isang kapitbahay. Binaril at napatay ang mag-asawa sa harap mismo ng kanilang tahanan, bagay na ikinagulat ng kanilang komunidad. Nanawagan ang mga kaanak ng hustisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa isa pang insidente, sinilaban ang isang mag-iina sa gitna ng umano’y hindi pag-aksyon ng pulisya sa mga banta ng kanilang kapitbahay. Ayon sa ulat, ilang beses umanong humingi ng tulong sa pulisya ang pamilya bago mangyari ang insidente, ngunit hindi sila pinansin. Dahil dito, nananawagan ang publiko para sa mas maagang aksyon at proteksyon sa mga biktima ng pagbabanta.

Ang mga insidenteng ito ay malinaw na paalala kung paanong ang maling paniniwala, kawalan ng tamang suporta sa mental health, at mabagal na tugon ng awtoridad ay maaaring magsanhi ng trahedya.