Masayang pahayag ng nagbabalik-Kapuso at award-winning actor na si Christopher de Leon, 65, “Maganda itong paglipat din sa GMA.”
Huling napanood si Christopher sa Love Thy Woman, ang ABS-CBN prime-time series na umere mula February hanggang September 2020.
Simula April 19 hanggang April 23, 2021, mapapanood si Christopher sa mini-series na I Can See You: The Lookout, ang drama anthology sa GMA Telebabad.
Sa virtual presscon ng The Lookout ngayong Biyernes, April 16, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa kanyang paglipat sa GMA-7, at sinabi niyang may kasunod na siyang gagawing proyekto bilang Kapuso.
“I’m grateful ginawa ko ito with GMA. And I’m doing another one after this, and then merong gagawing… isa na namang out-of-the box material for GMA.
“So, wow. GMA is doing very well.
“And I thank God for blessings coming our way.”
Sa GMA Network, ang huling mga proyektong ginawa ni Christopher ay nang maging guest cast member siya sa TODA One I Love (2019) at sa prime-time series na Kambal, Karibal (2017-2018).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
ENOUGH TIME TO PREPARE
Humanga si Christopher sa sistema na maagang naibigay sa kanya ang materyal para sa crime thriller na The Lookout.
Gagampanan niya ang papel na Dr. Robert Penuliar, ang may-ari ng bahay na pagpaplanuhang looban nina Jason (Adrian Alandy) at Emma (Barbie Forteza).
Malaking bagay raw kasing napaghahandaan niya nang husto ang kanyang trabaho.
Sabi ni Christopher: “I always say hindi ako magaling. Magaling lang ako pag prepared ako…
“Especially with I Can See You, this is a good break also.
“We were talking about the material that we have right now. I’m very happy. It’s very good. It’s very nice.
“I’m happy that GMA is doing materials like this now.”
Hindi raw naging sagabal ang bubble taping para maitawid nang maganda ang kanilang mini-series.
Read more about
christopher de leon
“The creativity of the new breed of directors and writers, nag-jive, especially right now na ang bubble taping because of the pandemic.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
“Ang taping namin right now is few characters ang kailangan gawin kasi mahirap gumawa ng big scenes.
“Yung writers, nagkroon sila ng beautiful and creative adjustment, na naging very personal yung material like this, The Lookout series.
“Nagkakaroon sila ng ideas that are really out of the box.”
MAKING FRIENDS WITH HIS CO-STARS
Kuwento pa ni Christopher, nag-enjoy siyang makatrabaho sina Barbie Forteza, Paul Salas, Adrian Alandy, Arthur Solinap, at iba pang cast members ng The Lookout.
“And I have new friends! God bless them,” nakangiting saad ni Christopher.
Dugtong niya: “I get my energy from them. They’re all professionals. They’re prepared what the next scene is.
“They get into their character right away. Pagkatapos ng take, pakawala uli.
“I get inspired by their enthusiasm to work.
“And it’s very exciting kasi bago yung mga materials, bago yung mga tao, bago yung environment. Ang sarap gawin.
News
Christopher de Leon back to being Kapuso: “GMA is doing very well.”
Masayang pahayag ng nagbabalik-Kapuso at award-winning actor na si Christopher de Leon, 65, “Maganda itong paglipat din sa GMA.” Huling…
Nakalabas na sa ospital si Christopher de Leon
26 Mar – Christopher de Leon has been discharged from the hospital and is now resting at home. As reported on…
Billy Crawford and Vhong Navarro’s EpiIt’s Showtime Fans Int
Ang pagbabalik ni Billy ay hindi inaasahan, ngunit ang epekto ay kaagad. Mula sa sandaling bumaba ang pamilyar na beat,…
Kathryn Bernardo Sa wakas ay Binasag ang Katahimikan sa “Mamahaling Singsing” na Regalo Diumano ni Alden Richards
For days, social media has been consumed by one question — is the “expensive ring” that Kathryn Bernardo has seen…
Sunshine Cruz and Enzo Pineda Stir Massive Buzz with Daring New Project — Fans Divided Over Actress’s Bold Move
In the ever-evolving world of Philippine entertainment, few names command respect and curiosity quite like Sunshine Cruz. Known for her…
Inihayag ni Ice Seguerra ang Pagkakakilanlan ng Sperm Donor para sa IVF Baby kasama si Liza Diño — “Ito ang Ating Katotohanan”
Matapos ang mga buwan ng espekulasyon at tahimik na pag-asa, sa wakas ay isiniwalat ng Filipino singer-actor na si Ice…
End of content
No more pages to load

