Nora Aunor, inaming pinagsabay noon ang limang lalake.
Nora Aunor on past relationship with Tirso Cruz III: “Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon! Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso. Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako… Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan… sobrang pagmamahal.”
PHOTO/S: TV5 / GMA Network
Ang pangalan ni Tirso Cruz III, at hindi si Christopher de Leon, ang isinagot ni Nora Aunor nang itanong ni Boy Abunda kung “Boyet o Pip” sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, February 20, 2023.
Isa itong matibay na indikasyon na, hanggang sa kasalukuyan, may pagmamahal at itinatangi pa rin ng batikang aktres ang dating karelasyon at ka-love team.
Hindi lamang ang matinding pagmamahal kay Tirso ang ipinagtapat ng personalidad na hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts noong June 2022. Nagsalita rin siya tungkol sa diumano’y “one way” na relasyon nila at ang pakikipagrelasyon niya nang sabay-sabay sa limang lalake.
Sabi ni Nora, “Masarap umibig, kaya nga lang, katulad nung mga nangyari sa akin, yung pag-ibig hindi kinakailangan isama o ipantay sa trabaho kasi nagsa-suffer yung trabaho.
“Pero masarap umibig kahit hindi ka niya pinapansin o alam mo na hindi ka niya totoong love. Pero sa yo, ikaw, yung puso mo para sa kanya, masaya na ako.”
Tanong ni Boy: “Mahal na mahal mo pero hindi ka sinusuklian?”
Sagot ng Superstar: “Oo. Alam niyo naman kung sino at hindi ko itinatago yon. Alam ng mga fans yon.
“Ang sa akin, inisip ko noon na parang, ‘Ano ito, dahil sa mga fans? Nadadala ka lang?’
“Kasi minsan, nararamdaman mo, pero minsan hindi mo nararamdaman.
“May mga insidenteng naririnig ka na mismo sa kanya nanggagaling ang salita na nakakasakit ng puso pero balewala yon dahil ikaw ay taong umiibig. Minahal mo talaga.”
Tahasang sinabi na si Tirso ang kanyang tinutukoy.
Paglilinaw ni Nora, “Nung araw yon, wala pa si Papa Boyet noon.”
Pero namutawi rin mula sa kanyang bibig na tila umaasa siyang magkakaroon ng karugtong ang kanilang relasyon kung pahihintulutan ng Diyos.
“Eleven years yon, twelve years yon na on and off. Nung huling nagkita kami… sasabihin ko ba? Baka magalit sa akin, e.
“Basta ang alam ko, darating ang panahon na baka gustuhin man ng Diyos, e, baka kami…”
Pagpapatuloy ni Nora, “Hindi… hindi… grabe, hanggang ngayon, nandoon pa rin, ha? Pero ano na… hindi na masyado pero andoon pa rin.
“May kanya-kanya nang pamilya so hindi na. Tahimik na. Masaya na rin ako ngayon.”
Pinatunayan ni Nora na hindi siya naiiba dahil naranasan niyang maging baliw sa pag-ibig.
“Sobrang baliw! Sobrang baliw!” bulalas niya.
“Kapag nag-aaway kami… sorry Pipo, pero ikukuwento ko lang kay Kuya Boy.
“Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon!
“Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso.
“Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako…
“Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan… sobrang pagmamahal,” kuwento ni Nora tungkol sa pagbabaliw-baliwan niya nang dahil sa sobrang pag-ibig kay Tirso.
Isang pilyang ngiti naman ang pinakawalan ni Nora nang aminin nito kay Boy na limang lalake ang kanyang pinagsabay-sabay noon.
Pero “fling” lamang daw ang iba dahil may tunay siyang mahal.
“Lima… yung iba naman fling-fling lang pero meron ka talagang tunay, may tunay talaga!” natatawang sabi ni Nora.
Sina Tirso, Christopher de Leon, Richard Merk, John Rendez, at former President Joseph Estrada ang ilan sa mga personalidad na alam ng mga taong nagkaroon ng kaugnayan kay Nora. Pero interesado pa rin silang malaman ang katauhan ng ibang mga kalalakihang tinutukoy niya na kanyang “fling” noon.
News
Isang Desperado na Panawagan: Pinilit ni Gerald Anderson na Mamalimos kay Julia Barretto Matapos Matutunan ang Nakakasira na Katotohanan Tungkol sa Kanilang Relasyon
Sa walang humpay na pagsisiyasat na relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto , bawat pampublikong kilos at pribadong tensyon…
Luha at Transparency: Emosyonal na Humarap si Julia Barretto sa Publiko at Naghatid ng Napakagandang Pag-amin Tungkol kay Gerald Anderson
Sa lubos na sinisiyasat na mundo ng Philippine entertainment, ilang mag-asawa ang tumahak sa landas na mas puno ng kontrobersya…
Silence Broken: Mystery Actor Speaks Out on KimPau Relationship Status, Forcing Immediate Reaction from Kim Chiu and Paulo Avelino
Ang KimPau phenomenon—ang matinding nakakahimok, fan-driven na partnership sa pagitan ng dalawa sa pinaka-binabantayang mga bituin sa Pilipinas, sina Kim…
Mga Emosyonal na Extremes sa ‘It’s Showtime’: Nabangga ang Nakakaiyak na Charitable na ‘Pasabog’ ni Vice Ganda sa Nakagugulat na Balita ng Diumano’y P100 Million na Pagkalugi sa Negosyo ni Kim Chiu
Ang entablado ng It’s Showtime ay kilala sa nakakahilong halo ng high-energy na komedya, taos-pusong kuwento ng mga kalahok, at…
The Truth Confirmed: Gerald Anderson finally admitted Relationship as Julia Barretto Is Definitively Exposed in Landmark Showbiz Revelation
Sa dramatikong mundo ng Philippine showbiz, kakaunting relasyon ang sumailalim sa matinding pagsisiyasat, haka-haka, at kontrobersya gaya ng kina Gerald…
Legal Firestorm: Claudine Barretto Files New Lawsuit Against Estranged Husband Raymart Santiago, Igniting Fury from Jodi Sta. Maria Amidst Shocking Abuse Claims
The long, contentious saga involving two of Philippine showbiz’s biggest names, Claudine Barretto and Raymart Santiago, has erupted once more,…
End of content
No more pages to load






