
Kinumpirma ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa ang matagal nang tsismis tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng beteranang aktor na si Dante Rivero.
Sa isang panayam kay Snooky Serna, sinabi ni Elizabeth na nakilala niya si Dante nang maging bahagi sila ng pelikulang Lumapit… Lumayo ang Umaga noong 1975.
Pagkatapos ay sinabi niya na si Dante ang kanyang greatest love at inamin na mayroon silang isang anak.
Ayon pa sa kanya, walang nakakaalam sa kanilang relasyon dahil sa pagiging malihim ng show business noong dekada 70.
Bukod pa rito, ipinahayag din ni Elizabeth na pinili rin niyang ilihim noon ang pagkakaroon nila ng anak ni Dante. Hindi rin niya ugali na ibahagi ang kanyang personal na buhay.
“Of course, we have one son. hindi lang kasi ako madaldal. Noong araw kasi, hindi uso yung… wala naman social media,” pahayag ni Elizabeth.
“And then you don’t normally talk about your personal life before,” dagdag pa ng beteranang aktres.
Ayon pa kay Elizabeth na ang anak nila ni Dante ay nasa 40’s na ngayon. Isiniwalat din ni Elizabeth na tanging si Dante Rivero lamang ang kanyang nakarelasyon niya sa showbiz.
“Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba,” pag-amin pa nito.
Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang beteranong aktor na si Dante Rivero hinggil sa isiniwalat na sekreto ni Elizabeth Oropesa.
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load






