“Isang simpleng gabing kwentuhan, at isang ngiti lang ang kailangan para mabuo ang damdamin ko sa kanya.”

Ako si Winona, at sa gabing iyon, naglakad ako papasok sa maliit na bahay ni Aliza dala ang munting regalo. Medyo pagod na ako mula sa buong araw sa trabaho, ngunit may kakaibang excitement sa dibdib ko. Alam kong simpleng get together lang ito, pero may pakiramdam ako na may magaganap na espesyal—isang sandaling puwedeng magbago ng lahat.

“Winona!” sigaw ni Ali nang makita niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Salamat at nakarating ka kahit pagod ka na. Magiging masaya to. Promise.”

“Alam ko naman,” sagot ko habang pumasok sa sala. Maliit lang ang gathering—ilang kaibigan ni Ali at ilang kakilala lang. Habang nakikinig sa tawan nila, medyo naali ako. Ngunit biglang napansin ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa bookshelf. Simple lang ang suot—polo at maong—pero may kakaibang aura siya na hindi ko maipaliwanag.

Parang naramdaman niyang nakatingin ako, kaya tiningnan din niya ako. “Hi,” bati niya. “Ako si Yuri. Kaibigan ko si Ali, at mukhang isa ka rin sa mga malapit sa kanya.”

“Winona,” sagot ko, medyo nahihiya habang inalok ang kamay ko. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kaluman at magaan ang kamay niya sa pagkamay ko. May kakaibang kuryente doon, hindi nakakatakot.

“Nice to meet you, Winona,” ngumiti siya.

“Salamat sa pagpunta kahit mukhang pagod ka.” Bahagyang nahuhulog ang ngiti ko sa paraan ng pagsasalita niya.

“Umo, medyo mahaba lang ang araw ko pero ayos lang. Gusto ko lang mag-unwind ngayon.” Tumango siya, at nagkaroon ng katahimikan—hindi awkward, kundi nakakaaliw.

Parang may koneksyon agad kami kahit bago pa lang kami magkakilala. “Gusto mo ba ng kape o tsaa?” tanong niya.

“Tsaa, salamat.” Habang naglalakad ako papunta sa kusina, napansin ko kung gaano kasimple at maayos ang kilos niya. Hindi mayabang, hindi nagmamagaling—tahimik lang pero may presensya na nagpaparamdam na komportable ako sa paligid.

Pagbalik sa sala na may tasa ng tsaa, nagkataon kaming magkatabi sa sofa. Nagsimula ang aming maliit na kwentuhan.

“Ang trabaho mo ba medyo stressful?” tanong niya habang humihigop ng tsaa.

“Oo, nurse ako at nakakapagod minsan. Pero okay lang. Sanay na rin ako sa pressure kaya natututo na lang huminga at mag-adjust.”

Tumango siya. “Ganun din ako dati sa trabaho. Minsan mahirap pero rewarding kapag tapos na at alam mong nagawa mo ng maayos.”

Natahimik ulit kami. Parang parehong nagbabantay kung anong topic ang magandang simulan. Ngunit medyo natatawa na ako at muli akong nagsalita.

“Alam mo, karaniwan sa akin hindi agad ako nag-o-open sa mga bagong kakilala. Medyo guarded ako. Siguro mas gusto kong makilala muna ang tao bago magtiwala.”

Ngumiti siya. “I get that. Para sa akin rin ganun. Mahalaga na maramdaman mong safe ka. At parang sa simula pa lang masaya ako na nagkakilala tayo.”

Nagpatuloy ang kwentuhan namin buong gabi. Mga simpleng bagay lang—paboritong pagkain, lugar na gustong puntahan, mga alaala sa pagkabata, at maliit na pangarap. Habang tumatagal, naramdaman ko na parang kilala ko na siya matagal na. Ang bawat sagot niya simple lang pero puno ng sinceridad.

“May mga pangarap ka ba ngayong nurse ka na like other plans?” tanong niya.

“Marami, pero simple lang. Gusto ko lang maging masaya sa trabaho, magkaroon ng stable at masayang pamilya, at maramdaman na may ginagawa akong tama sa buhay ko.”

Tumango siya. “Ganun din ako.”

Mahinang tumawa ako. Para bang siya lang ang nakakaintindi sa mundo ko nang hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat. “Alam mo Yuri, hindi ko rin alam kung bakit ganito… Parang komportable ako sayo kahit bagong kakilala ko lang.”

Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa huli. Bago umalis, inabot niya ang kamay ko. “Salamat sa gabing ito. Sana hindi ito ang huli nating pagkakataon na magkwentuhan ng ganito.”

Ngumiti ako. Ramdam ko ang init sa dibdib ko. “Salamat rin. Masaya ako na nagkwentuhan tayo.” Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang mapangiti.

Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko si Ara sa sofa, may cucumber slices sa mata at nakasuot ng headband na may maliliit na tenga ng pusa.

“Oh, Winona,” tinanggal niya ang isa sa cucumber slice at tumingin sa akin. “Anong nangyari sa’yo? Ngiting-ngiti ka diyan, para kang naka-jackpot sa lotto.”

Hindi ko na napigilan. “Ate, ready na akong bumukaka. Madidiligan na ako.” Natawa si Ara. “Peste ka. Akala ko kung ano na… Kalokohan mo lang pala.”

“Sino na naman yang dina-date mo? Ano itsura? Ano ugali?”

Habang nagtatanggal ng sapatos, napanguso ako. “Syempre hindi pa. Pa-demure muna ako ngayon. Slow reveal. Mild muna bago i-unleash ang totoong ako. Pag hook na siya, saka ko ipapakita ang SPG personality ko.”

Umirap si Ara, halatang naaliw. “Sino nga?”

“Dali na… Si Yuri. Nakilala ko sa get together ni Ali. Common friend lang.”

“Bet mo na talaga siya?” tanong ni Ara.

“Bet na bet! Kalmado, composed… Alam mo yung feeling na kapag katabi ko siya, parang tahimik ako at masunuring asawa? As in ganun.”

“Ha? Asawa agad? Hoy, hindi ka nga marunong magluto.”

“Training is possible,” sagot ko, proud pa.

Habang inaayos ko ang buhok ko, napahinto si Ara. Dahan-dahang iniangat niya ang cucumber gamit ang daliri.

“Anong… parang ang sarap?”

“Parang kapag diniin niya ako sa kama, masisira talaga lahat sa akin,” sagot ko, sabay tawa. Binato na niya ako ng unan diretso sa mukha.

“Ano ba? Pumasok ka nga sa kwarto mo. Hoy, wala ka pang experience pero ganyan ang bunganga mo. Grabe ka magsalita kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh.”

Humilata ako sa carpet ng sala at umiikot-ikot parang teenager na umiibig.

“Basta ate, magiging boyfriend ko yun si Yuri. Pakakasalan ko siya. Sure na ako—as in sure na sure.”

“Sure ka?” sambit ni Ara, halatang aliw.

“Love at first sight kami. Scientifically proven ‘to,” sagot ko, hinahawakan ang dibdib ko. “Kapag tumibok ang heart ko ng malakas habang nakatingin sa kanya, tapos may ilaw-ilaw pa sa paligid, ibig sabihin—meant to be kami.”