“Sa bawat patak ng pawis at bawat barya, nakasalalay ang buhay ng kanyang anak.”

Anak! sigaw ni Dana, nanginginig ang boses sa takot. Anong ginagawa mo diyan? Lumingon si Nova, ngumiti ng bahagya. “Nay, humihingi lang po ako ng tulong. Baka po may magbigay sa atin ng pera para po makakain tayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Dana. Lalo na nang marinig niya ang malakas na ugong ng paparating na malaking chau. “Nova anak, tumabi ka!” sigaw niya, halos mabasag ang boses sa takot. Ngunit sa bilis ng lahat, hindi nakagalaw si Nova. Napasigaw si Dana at sa isang iglap, tumakbo siya papunta sa anak—at sabay silang nahagip ng truck.

“Anak!” iyon ang huling salitang lumabas sa kanyang bibig bago siya bumagsak sa malamig na semento. Napuno ng ingay ang paligid—sigawan, busina, tunog ng preno. Unti-unting lumabo ang paningin ni Dana. Ngunit bago tuluyang dumilim ang lahat, may isa pang tanawin siyang nakita: isang itim na kotse ang huminto sa tabi ng kalsada, mabilis bumukas ang pinto, at isang lalaki ang lumabas.

Tumakbo ito palapit sa kanya, nakayuko. Hindi malinaw ang mukha, ngunit ramdam niya ang lalim ng boses. “Miss, miss, can you hear me? Please stay with me,” sabi ng lalaki.

Kawawa talaga si Dana. Maganda, ngunit nabuntis lang at hindi pa pinanagutan. Kaya nga, kung siya ang nasa lugar ng babae, gagamitin niya ang ganda para makaahon sa hirap. Ngunit sa kabila ng ingay at tsismisan ng mga tao sa palengke, walang pakialam si Dana. Nasanay na siyang palaging paksa ng usapan ng mga tao sa kanilang lugar.

Sa tabi ng mga karito ng isda, abala si Dana sa pagtitinda. Hindi siya pinapansin ang mga nag-uusap tungkol sa kanya. Pawis na pawis sa noo, dumadaloy sa pisngi, ngunit hindi siya tumitigil. Kailangan niyang kumita ng pera. Bawat barya, bawat kilo ng isda, ay katumbas ng pag-asa na mabigyan ng lunas ang anak.

“Isda po! Sariwa pa! Ale, bili na kayo dito sa akin oh! Mura lang ang kilo at sariwang-sariwa pa!” sigaw niya, habang inaayos ang mga bang sa harap ng mesa. May lumapit na babae, ngunit hindi bumili. Lumipat ito sa kabilang tindahan. Ngunit hindi iyon naging malaking problema kay Dana. Ganun talaga sa negosyo.

Maya-maya, may marahang tumakbo papunta sa kanya. Si Nova, limang taong gulang, naka-ponytail, may maliit na bag sa likod, may ngiti na kayang pawiin ang lahat ng pagod. “Mama!” masiglang sigaw nito habang tumatakbo palapit.

“Tapos na po ako mag-drawing sa bahay,” sabi ni Nova. Napalingon si Dana at agad ngumiti, may bahid ng pag-aalala sa mga mata. “Anak, bakit ka bumaba rito? Hindi ba sabi ko magpahinga ka muna sa bahay? At huwag kang tatakbo, masama ‘yan sa puso mo.”

“Gusto ko lang pong ipakita ang drawing ko sa’yo, mama,” sagot ng anak.

Ngumiti si Dana, tiningnan ang drawing: magkahawak-kamay silang dalawa sa tabi ng dagat. “Wow! Ang galing-galing naman ng anak ko! Manang-mana ka talaga kay mama,” sabi niya. Pride at saya ang nakita sa ngiti ni Nova. Sa murang edad, kakikitaan na ang talento nito—nais maging sikat na pintor o architect sa paglaki.

Lumapit si Nova, marahang pinunasan ng maliit na panyo ang noo ng ina. “Pagod ka na po ma.” “Pahinga ka muna kahit sandali lang,” dagdag ng anak.

Napangiti si Dana sa kilos ng anak. “Naku, ayos lang ako, anak. Napapagod ako, pero para sa’yo. Huwag kang mag-alala kay mama ha.”

“Pero mama, sabi po kahit mga hero ay nagpapahinga rin kapag napapagod na sila.”

“Oo naman, pero hindi pa ako pagod. Kapag gumaling ka na, saka lang ako magpapahinga.” Ngumiti si Nova at tumango, ngunit halata sa mga mata ang bahagyang pamumutla at pagod.

Ang mahalaga sa buhay ni Dana ay ang anak. Ang kapakanan ni Nova ang tanging iniisip niya. Kailangan lang niyang makaipon ng sapat na halaga para sa operasyon, para sa gamot, para sa lunas ng sakit ng puso ng anak. Hindi niya kayang makita ang pagod o hirap sa mga mata nito.

“Mama, mamaya pa itawag. Pag lumaki po ako at kapag wala na po akong sakit sa puso, ako naman po ang magtatrabaho para hindi ka na po laging napapagod,” sabi ni Nova, may halong pag-asa at panalangin.

“Basta lagi ka lang magdarasal at magiging mabait, gagaling ka rin. Pero hindi mo kailangan magtrabaho ha. Hangga’t kaya ko, hindi mo kailangang tumulong sa akin. Ang gusto ko lang, gumaling ka.”

Ngumiti si Nova, niyakap ang ina. Maya-maya, umupo sa tabi ng mesa, habang pinagmamasdan siya ni Dana. Sa malayo, tila larawan sila ng simpleng buhay—puno ng hirap, ngunit may pagmamahal na kayang bumawi sa lahat ng kakulangan.

Sa kabila ng lahat, tanging nasa isip ni Dana ay ang anak. Ang kapakanan ni Nova, at ang dasal niya araw-araw: sana kahit gaano kahirap ang buhay, mananatili sa kanya ang anak, at sana dumating ang himala na gagaling ang puso nito.