
Isang kwento ng tagumpay na nauwi sa trahedya.
Isang pangalan na dati’y iniuugnay sa dangal at karangalan, ngayo’y headline sa pinakamalaking drug bust ng bansang Ireland.
Si Harold Kevin Estoesta, ipinanganak sa Lipa City, Batangas. Panganay sa limang magkakapatid, mula sa isang respetado at may-kayang pamilya. Ang kanyang ama — graduate ng Philippine Military Academy at naging piloto ng Philippine Air Force, kalauna’y piloto ng commercial airline.
Lumaki si Harold na tahimik, displinado, at palaging nasa honor roll. Sa high school pa lang, kitang-kita na ang liderato sa Citizen Military Training. Kaya’t nang tumuntong sa kolehiyo, tinahak niya ang daan patungo sa Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) — kilala sa paghulma ng pinakamahusay na seafarers ng bansa.
Bilang kadete, siya’y top student, Dean’s Lister, at Honor Board Member. Noong 2015, graduate at kabilang pa sa Top Ten Outstanding Maritime Students of the Philippines — prestihiyosong parangal para sa mga may husay sa akademya, serbisyo, at pamumuno. Lahat ng nakakakilala sa kanya ay naniniwalang malayo ang mararating niya.
Pero makalipas lamang ang walong taon, September 2023, sumabog ang balita:
Si Harold, ngayon ay Second Officer sa barkong MV Matthew, ay kabilang sa mga nahuli sa isang record-breaking ₱9 billion cocaine shipment sa karagatan ng Ireland — higit 2.2 tonelada ng ilegal na droga.
Paano Nagsimula ang Lahat?

Ayon sa mga ulat, matagal nang under surveillance ang MV Matthew — isang bulk carrier na nakarehistro sa Panama, ngunit pinaniniwalaang hawak ng Dubai-based firm na Symphony Marine. Sa papel, nagdadala ng legal na kargamento; sa realidad, gamit ng sindikato para magpuslit ng droga sa Europa.
Karamihan sa mga crew, kabilang si Harold, ay na-recruit sa Dubai, pinangakuan ng mataas na sahod.
Noong Setyembre 2023, mula Curacao, Guyana, bumiyahe ang barko patungong Poland, ngunit lumihis patungong Venezuela para kargahan ng 2.25 toneladang cocaine, saka muling lumayag papuntang Ireland.
Plano: ilipat ang droga sa isang maliit na fishing vessel na binili ng kartel para sa operasyon. Pero dahil sa masamang panahon, mechanical failure, at sunod-sunod na aberya, napilitan silang magpadala ng distress call — na naging simula ng kanilang pagkakahuli.
Ang Mainit na Habulan

Ayon sa Ireland Armed Forces, nang pumasok sa teritoryo ng Ireland ang MV Matthew, tinangka nilang lapitan ang barko. Tumanggi itong sumunod sa utos at sinubukang lumabas ng teritoryo — nagresulta sa isang hot pursuit.
Sa mga radio recording, naririnig ang boses ni Harold, na bilang Second Officer ay direktang nakikipag-usap sa Irish Navy. Sa kabila ng babala at warning shots, patuloy nilang pinatakbo ang makina sa maximum speed.
Hanggang sa dumating ang Army Ranger Wing sakay ng military helicopter, sabay lusob sa barko. Hindi na nakalaban ang crew — pero nadiskubre na sinusunog na nila ang mga ebidensya, kabilang ang cellphones na gamit sa pakikipag-ugnayan sa kartel.
Ang Pagbagsak
Sa loob ng barko, natagpuan ang cocaine shipment, ilang devices, at pera na umaabot sa €53,000.
Anim mula sa MV Matthew at dalawa mula sa fishing vessel ang inaresto, kabilang si Harold.
Sa korte, una’y itinanggi niya ang partisipasyon, sinabing spare parts lang ang karga at sumunod lang siya sa utos. Ngunit nang marecover ng forensic team ang mga deleted messages mula sa kanilang WhatsApp group chat, napatunayan ang direktang ugnayan niya sa operasyon — kabilang sa mga tumatanggap ng instructions, at siyang kausap ng Irish Navy sa mainit na habulan.
Noong Pebrero 2025, nag-plead guilty si Harold at iba pa. Sa hatol nitong Hunyo 2025, siya’y sinentensyahan ng 18 taong pagkakakulong sa ilalim ng Ireland Criminal Justice Act of 2006. Lalabas siya sa edad na 50 — kung makakalabas pa.
Paalala ng Kwento ni Harold
Mula sa modelong kadete, inspirasyon ng batchmates, at fiancé na may nakaplano nang kasal, ngayon ay bilanggo sa isang dayuhang bansa.
Hindi malinaw kung siya’y naloko, napilitan, o matagal nang konektado sa sindikato. Pero malinaw ang isa: isang maling hakbang, at ang karera sa dagat na pinaghirapan mo nang taon-taon, maaaring maglaho sa isang iglap.
Sa mundo ng dagat, may isang direksyon lang na dapat tahakin: ang tuwid na daan.
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load






