Manager ni Elias TV, nagsalita na kaugnay sa isyu ng “selos” at kanseladong mga raket
Nagsalita na ang manager ni Elias TV na si Beverly Pumicpic Labadlabad
Ito ay kaugnay sa isyung nali-link umano siya sa kanyang talent dahilan para magselos umano ang live in partner ni Elias
Aniya, ilang interview na ang hindi sinipot ni Elias at ilan sa mga ito ay kina MJ Felipe ng ABS-CBN at maging kay Boy Abunda
Nabanggit din ni Beverly na patuloy pa rin ang away ni Elias at partner nito dahilan para hindi maka-focus ang singer sa sana’y umaapaw na raket niya
Sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa umano’y selosan sa pagitan ni Elias TV at ng kanyang live-in partner, nagsalita na ang manager ng singer na si Beverly Pumicpic Labadlabad upang linawin ang sitwasyon at ilahad ang epekto nito sa mga proyekto ni Elias.

Source: Facebook
Ayon kay Labadlabad, ilang mahahalagang interviews at shows na sana’y magpapalakas pa sa karera ng singer ang hindi nito nadaluhan dahil sa personal na alitan nila ng kanyang partner.
“Alam mo, July 11, may show siya dapat dito sa Manila. Na-cancel. Kasi hindi pumayag ‘yung babae, ‘yung partner niya,” pagbubunyag ng manager.
Dagdag pa niya, ilang beses na ring na-indian ni Elias ang mga nakatakdang interviews, kabilang na ang kina MJ Felipe ng ABS-CBN at maging kay Boy Abunda.
“Si Elias may interview siya kay Sir MJ Felipe. Na-cancel. In-indian niya. Kasi wala siyang tulog. Nag-aaway kasi sila. Nakakahiya bilang manager,” ani Labadlabad.
“Kahapon kay Boy Abunda, na-cancel. Hindi niya din pinuntahan. Kasi nga dahil din sa away nila. Kailangan niyang umuwi sa kanila,” dagdag pa niya.
Aminado si Labadlabad na naapektuhan na ang trabaho ni Elias at umaasa siyang maresolba agad ang personal nitong problema upang makabalik ito sa pagtutok sa kanyang karera.
Wala pang pahayag mula kay Elias o sa kanyang partner hinggil sa isyu habang patuloy na umaasa ang kanyang mga tagahanga na masolusyunan ito sa lalong madaling panahon.
Si Elias J. TV (real name Elias Lintucan) ay isang vlogger, frontman ng reggae group na Kalumad Band, at miyembro ng tribong Manobo mula North Cotabato. Nakilala siya sa kanyang mga dance moves at viral online content, na nagdala sa kanya ng pansin mula Mindanao hanggang sa kontrata sa ABS‑CBN Global. Matatandaang naibahagi na rin sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanyang buhay at kung ano ang naging inspirasyon niya sa kanyang nag-viral dance moves. Doon, unang isinapubliko ni Elias ang tungkol sa anak at kanyang live-in partner.
Naging maugong ang isyu ng selos mula sa partner nitong si Abegail at sa bagong manager ni Elias na si Beverly. Sa panayam ni Ogie Diaz sa manager ni Elias, sinabing nakilala lamang niya ito nang mai-book niya ang banda ni Elias sa event na bahagi umano ng kanyang kampanya. Sinabing si Elias mismo ang gumawa ng paraan na siya ay makuha nito bilang manager. Aniya, malaki na ang naitulong niya sa mang-aawit na milyon na umano ang kinita mula nang ma-manage niya.
News
The Queen’s Gambit: Julia Montes Breaks Silence, Allegedly “Exposes” Maris Racal’s “Flirting” on “Batang Quiapo” Set
In the high-stakes, high-drama, and often high-anxiety world of Philippine showbiz, there has been one “cold war” that has defined…
The Great Misdirection: Was Maris Racal the Real Target of Julia Montes’s Jealousy All Along?
In the sprawling, high-stakes, and often brutal world of Philippine showbiz, there has been one “cold war” that has defined…
Ang Prinsipe ng Putikan
Ang araw sa Baryo San Isidro ay isang halimaw na may isang mata. Ito ay sumisikat nang walang awa, tinutuyo…
Ang Uniporme at ang Pagtataksil: Ang Kalunos-lunos na Sinapit ng Isang Nurse sa Kamay ng Pulis na Dapat Sana’y Kanyang Protektor
Sa isang lipunang puno ng hamon at kawalan ng katiyakan, may dalawang uniporme tayong tinitingala bilang sagisag ng pag-asa at…
The Queen’s Wrath: Helen Gamboa Breaks 50-Year Silence, Unleashes “Resentment” on Anjo Yllana
For nearly half a century, Helen Gamboa, the wife of former Senate President Tito Sotto, has been the very…
The Watchdogs Bite Back: COA Ultimatum Sparks Bombshell, Leaves Remulla “Paralyzed” as Marcos, Sotto, Lacson Brace for Fallout
In the sprawling, high-stakes drama of Philippine politics, alliances are the currency, and loyalty is the shield. The unwritten rule…
End of content
No more pages to load






