Mistulang eksena mula sa pelikula ang sumalubong sa mga pulis sa Kibawe, Bukidnon matapos matuklasan ang bangkay ng isang 75-anyos na babae.ay at sinunog ng isang 37-anyos na lalaki na umanoy naniwala na siya ay isang mambabarang o mangkukulam.

Source: Facebook
Ayon sa imbestigasyon, pinaghahampas muna ng suspek ang biktima gamit ang tuyong tangkay ng niyog bago ito tuluyang sunugin gamit ang mga tuyong husk, tangkay, at dahon ng niyog.
“So gipalo niya sa niyog yung dry na stalk. Eventually, nawalan ng malay, tuloy-tuloy na siya gisunog niya yung tao,” pahayag ni Major Jayvee Babaan, tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office.
Nangyari ang insidente bago magtanghali noong Sabado, Hulyo 26, 2025 ngunit iniulat lamang ito sa mga awtoridad kinabukasan.
Lumabas sa paunang imbestigasyon na ang suspek ay dumaranas umano ng depresyon matapos siyang iwan ng kanyang asawa. “Base sa information na bag-o lang siya gihiwalayan sa asawa niya, depressed ito na tao.
Upon checking sa record, former surrenderee siya, drug-user siya dati,” dagdag pa ni Babaan. Sa kabila ng karumal-dumal na krimen, kusang-loob umanong sumuko ang lalaki at inamin ang ginawa. Nahaharap siya ngayon sa kasong murder.
Sa kabila ng pag-usad ng siyensya at edukasyon, malalim pa rin ang paniniwala ng ilan sa mga bahagi ng Pilipinas sa mga tinatawag na mangkukulam o mambabarang.
Madalas na isinisisi sa mga ito ang mga hindi maipaliwanag na pagkakasakit, kamalasan, o trahedya. Sa ilang lugar, ang paratang na ito ay maaaring magbunsod ng karahasan, lalo na kung hindi agad ito naaksyunan ng mga awtoridad o kung may mental health issues na sangkot.
Noong nakaraang taon, iniulat ng Kami.com.ph ang malagim na sinapit ng mag-asawang senior citizen sa Negros Occidental matapos silang pagbintangang mga mangkukulam ng isang kapitbahay. Binaril at napatay ang mag-asawa sa harap mismo ng kanilang tahanan, bagay na ikinagulat ng kanilang komunidad. Nanawagan ang mga kaanak ng hustisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Sa isa pang insidente, sinilaban ang isang mag-iina sa gitna ng umano’y hindi pag-aksyon ng pulisya sa mga banta ng kanilang kapitbahay. Ayon sa ulat, ilang beses umanong humingi ng tulong sa pulisya ang pamilya bago mangyari ang insidente, ngunit hindi sila pinansin. Dahil dito, nananawagan ang publiko para sa mas maagang aksyon at proteksyon sa mga biktima ng pagbabanta.
Ang mga insidenteng ito ay malinaw na paalala kung paanong ang maling paniniwala, kawalan ng tamang suporta sa mental health, at mabagal na tugon ng awtoridad ay maaaring magsanhi ng trahedya.
News
THE UNEXPECTED VIP SEAT REVELATION THAT SHATTERED THE ROMANTIC AIR: WHY DID PAULO’S REHEARSAL MOOD COLLAPSE INTO LETHARGY THE MOMENT A WEALTHY RIVAL UNVEILED A SHOCKING SURPRISE IN CANADA, THREATENING TO WRECK ONE OF THE MOST LOVED CELEBRITY MOMENTS?
The highly anticipated atmosphere surrounding the preparations for the monumental ASAP Tour was suddenly and dramatically pierced by an…
ANG DI-KAPANI-PANIWALANG PAGBABALIKTAD NG TADHANA SA SENADO: BAKIT ANG SUSING TESTIGO NA NAGBUNYAG SA PINAKAMALAKING ANOMALYA AY NGAYON AY INIIWAN SA ERE, AT PAANO ANG MISMONG MAKINA NG IMBESTIGASYON AY GINAGAMIT UPANG IKAWALA ANG KATOTOHANAN SA ISKANDALO NG MGA BINULSA NA BILYONG PISO?
Nabalutan ng matinding pagkalito at pagdismaya ang sambayanan matapos pumutok ang balita na tila may malaking puwersa ang gumagalaw upang…
ANG LIHIM NA TINABUNAN NG MILYON-MILYONG CCTV CAMERA: BAKIT NAGLAHO ANG DETALYE NG TRAHEDYA NG ISANG SIKAT NA AKTOR, AT PAANO IDINAWIT ANG ANAK NG PINAKAMAKAPANGYARIHANG OPISYAL SA LIKOD NG BILYONG PISONG ANOMALYANG PINANSYAL NA NAGTAPOS SA KANYANG KATAWANG WALANG BUHAY?
Niyanig ang buong entertainment industry at ang mamamayan ng China noong Setyembre 11, 2025, nang kumalat ang balita tungkol sa…
ANG DI-INAASAHANG PAGGUHO NG ISANG IMPERYO NG KAPANGYARIHAN: BAKIT ANG MGA SUSING TESTIGO AY BIGLANG TUMESTIGO LABAN SA ISANG PINAKA-IMPLUWENSYANG SENADOR, AT PAANO INUTOS NG OMBUDSMAN NA SIYASATIN ANG BAWAT BILATERAL NA KONTRATA UPANG I-TUMBA ANG KANYANG KREDIBILIDAD?
Ang Pangunahing Artikulo Muling nabalot sa matinding tensyon at pagkabigla ang pulitika sa bansa matapos pumutok ang balita na naglalagay…
ANG DI-MALILIMUTANG GABI NG SIGAWAN SA BATANGAS: NATUKLASAN ANG LIHIM NA IMPYERNO NG ISANG MISIS MATAPOS ANG ISANG AKSYON NG MATINDING PAGKADISMAYA – PAANO SIYA NAPAWALANG-SALA DAHIL SA ‘BATTERED WOMAN SYNDROME’ HABANG ANG KANYANG ASAWANG DATING BODYGUARD AY NAWALA ANG LAHAT AT NAKULONG?
Isang nakakagimbal na sigawan noong gabi ng Hunyo 17 ang biglang gumising sa isang payapang barangay sa Batangas, naghudyat sa…
Unprecedented Political Earthquake: Top Senator Under ‘Target Lock’ as Investigators Unearth Explosive Family Links to Massive Infrastructure Scandals—Will His Defiant Defense Crumble Under the Weight of Evidence, and Who Are the Real High-Level Architects Being Protected?
A massive political storm is brewing in the capital, instantly polarizing the nation after unverified, yet fiercely debated, insider information…
End of content
No more pages to load






