Sa bawat kuwento ng tagumpay na naririnig mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ibang bansa, mayroon ding mga trahedya na nagpapaalala sa atin ng kalungkutan at madilim na bahagi ng buhay. Sa kaso ng pamilya Silita, isang kuwento ng “American Dream” na unti-unting naging bangungot, ang sumira sa kanilang buhay at nagpakita ng pinakamadilim na bahagi ng sangkatauhan. Si Rogelio Silita, isang mapagmahal na ama at asawa, kasama ang kanyang panganay na anak na si Robby, ay brutal na pinaslang dalawang buwan lamang pagkatapos ng isang mala-fairy tale na kasal, na ikinagulat at ikinagalit ng buong komunidad. Ang imbestigasyon sa likod ng malagim na krimen na ito ay naglantad ng isang nakapanlulumong kuwento ng inggit, poot, at pagtataksil na nagtapos sa dugo.
Si Rogelio Silita ay isinilang sa probinsya ng Albay, inilarawan bilang masipag, mapagbigay, at palakaibigan. Bilang miyembro ng isang mahirap na pamilya, nangarap si Rogelio na mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya at mga anak. Ang oportunidad na makapunta sa US sa pamamagitan ng pagsali sa US Army noong 1970s sa programang 1947 Military Bases Agreement ay hindi niya pinalampas. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nagsilbi siya sa US Navy at kalaunan ay naging naturalized American citizen, nagkaroon ng sariling bahay sa California.
Nang makilala niya si Lita, isang Filipina, namanhikan si Rogelio sa pamilya nito at pagkatapos makuha ang kanilang pagpapala, ikinasal sila at dinala niya si Lita sa US upang doon buuin ang kanilang pamilya. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Robby at Mika. Bagama’t sila ay automatic na naging US Citizens, sinigurado ni Lita na maging pamilyar sila sa kulturang Pilipino. Kahit madalas wala si Rogelio dahil sa kanyang serbisyo sa US Navy, ginawa niya ang lahat para masulit ang oras kasama ang kanyang pamilya tuwing umuuwi siya. Dahil sa sipag at tiyaga ni Rogelio, nakapag-aral ang mga bata sa maayos na paaralan at naging masunurin at magagalang.
Nang magretiro si Rogelio sa Navy, ginamit niya ang kanyang naipon para magtayo ng dalawang negosyo, na nakatulong sa lahat ng kanyang mga anak na makapagtapos ng kolehiyo nang walang malaking utang. Ang sakripisyong ito ay nakita ng panganay na anak na si Robby, kaya nagpursigi siya sa pag-aaral at mabilis na nakahanap ng trabaho pagkatapos ng college. Mula sa simpleng trabahador, naging manager si Robby, at kalaunan ay naging regional vice president ng isang financial service company. Ginabayan ni Rogelio si Robby kung paano hawakan at palaguin ang kanyang pera. Kalaunan, bumukod si Robby at nagkaroon ng sarili niyang bahay.
Bagama’t matagumpay sa karera, si Robby naman ang laging topic ng kanyang mga kamag-anak sa mga reunion dahil sa pagiging mailap ng pag-ibig sa kanya. Kaya nag-focus siya sa trabaho hanggang makilala niya si Suzy, isang Filipina na lumaki sa California. Na-love at first sight si Robby at agad kinuha ang kanyang numero. Inilarawan si Suzy bilang mabait at mahilig magluto. Nag-click agad ang dalawa at kahit madalas magbiyahe si Robby, hindi ito nakaapekto sa kanilang relasyon. Masaya ang lahat nang inanunsyo nilang engaged na sila. Kahit natagalan ang engagement, hindi nainip si Suzy at masaya siyang planuhin ang bawat detalye ng kanilang kasal. Ibinigay ni Robby ang dream wedding ng kanyang fiancee, na inilarawan ng mga dumalo bilang “mala-fairy tale.”
Pagkatapos ng kasal at honeymoon, bumili sina Robby at Suzy ng bahay sa Valley Center, malapit sa kani-kanilang pamilya. Laging sinasabi ng mga nakakakilala sa kanila na sila ay itinadhana para sa isa’t isa dahil hindi sila nakitang nag-away. Noong 2022, ang newlywed couple ay puno ng pangarap, ngunit noong Hunyo 2022, dalawang buwan lamang pagkatapos ng kanilang kasal, isang nakakagulat na balita ang sumira sa kanilang buhay.
Si Suzy mismo ang tumawag sa mga awtoridad. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating ang mga deputies at fire department personnel. Nang mapasok ang tahanan, ipinagbigay-alam kay Suzy na patay na ang kanyang asawa. Ngunit ang mas nakakagulat ay nang kumpirmahin din ng Deputy na ang 67-taong-gulang niyang biyenan, si Rogelio, ay patay din sa loob. Hindi makapaniwala ang mga tao dahil sa pagiging malapit ng pamilya. Ngunit mas magugulat ang lahat sa pagkatao ng salarin. Noong gabi ring iyon, dinakip ng sheriff’s homicide unit ang 44-taong-gulang na Pilipino na si Christopher Minglanilla, na kaagad dinala sa detention facility at sinampahan ng patong-patong na kaso.
Kinabukasan, hindi pa rin makapaniwala ang mga nakakakilala kina Suzy na wala na ang mag-ama. Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay. Pagkatapos ng autopsy, inayos ang labi ng mag-ama. Noong Hulyo 14, 2022, nagtipon ang mga tao sa El Camino Memorial Sorrento Valley and Memorial Park para sa burol. Dahil wala nang hinihintay, ilang araw lamang ang itinagal ng burol bago inihatid ang labi sa huling himlayan. Sa kabila ng kalungkutan, nagtatanong ang ilang dumalo kung bakit pinatay ang mag-ama dahil napakabait ng mga ito.
Sa loob ng ilang buwan at taon, nanatiling tikom ang bibig ng mga malapit sa biktima dahil hindi pa tapos ang hearing. Ngunit noong nakaraang taon, 2024, mahigit dalawang taon na, ibinaba ng judge ang hatol sa suspek, at nagbunyi ang lahat ng kamag-anak, kapamilya, at kaibigan ng mga biktima dahil kuntento sila sa naging hatol. Base sa ulat, noong 2022, ilang buwan pagkatapos ng krimen, kahit kumbinsido ang prosecutor na malakas ang kanilang ebidensya, ang suspek ay buong lakas loob na nag-plead ng “not guilty,” na nagpapahiwatig ng hangaring ipaglaban ang kaso.
Nang magsimula ang trial noong 2024, nabunyag na si Christopher ay isinilang sa Pilipinas ngunit lumaki sa US, at naninirahan ang kanyang pamilya sa San Diego, California. Kahit hindi siya isinilang sa mayamang pamilya, naging masipag si Christopher hanggang magkaroon ng disenteng buhay sa America. Nasaksihan niya ang hirap na dinanas ng kanyang magulang, kaya naging matindi ang kagustuhan niyang magkaroon ng maginhawang buhay. Pagkatapos ng pag-aaral, nagkaroon siya ng simpleng trabaho, ngunit mas nagpursigi siya nang makilala niya si Mika. Madalas silang makita na magkasama bago opisyal na inanunsyo na sila ay magkarelasyon.
Masaya ang mga tao para kay Christopher at madalas nilang tanungin kung kailan ang kasal. Ngunit sa halip na magpa-pressure, mas pinili nina Christopher at Mika na unahin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagbiyahe sa iba’t ibang lugar. Inilarawan sila ng mga nakakakita sa kanilang social media post na “perpekto para sa isa’t isa.” Kaya walang mapagsidlan ng kasiyahan ng mga tao nang mag-propose si Christopher kay Mika. Inulan ng pagbati ang comment section, at ilang buwan pagkatapos ng matagumpay na proposal, inanunsyo nilang ikinasal na sila.
Sa korte, nabunyag na si Mika ay anak pala ni Rogelio, na isa sa mga biktima. Ibig sabihin, si Christopher na suspek ay ang manugang ni Rogelio at bayaw naman ni Robby. Hindi maintindihan ng mga tao kung bakit umabot sa patayan. Nang tumayo sa witness stand si Christopher, isiniwalat niya na hindi magtatagumpay ang kanilang relasyon at hindi ito aabot sa kasalan kung hindi niya mahal si Mika at kung hindi siya nagtiis. Ibinunyag niya na nang ipinakilala siya ni Mika sa pamilya nito, naging maayos ang pakikitungo ng mga ito sa kanya, lalo na si Rogelio. Sa katunayan, ilang buwan matapos silang magkarelasyon, tinanggap pa niya ang trabaho na inalok sa kanya ni Rogelio, kaya nakatrabaho niya rin si Robby.
Noong una, naging maayos ang kanilang samahan, ngunit kalaunan ay napagtanto niya na hindi pala siya gusto ng pamilya ni Mika. Ngunit dahil hindi naman sina Rogelio ang makakasama niya habang buhay, ipinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon kay Mika. Upang makakuha ng simpatya mula sa jury, ibinahagi ng abogado ng nasasakdal na si Christopher ay nag-focus na lamang sa pagsasama nila ni Mika. Madalas silang makita sa simbahan, at kasama sa iba’t ibang events doon. Sa isang litrato, makikita na magkasama silang dumalo sa isang Zoom meeting. Sa caption ng larawan na iyon, pinuri sila ng ina ni Mika dahil pinapangalagaan nila ang biyaya na ibinigay sa kanila ng Diyos.
Madalas ding kasali sina Christopher sa mga event sa kanilang simbahan na tinatawag na “Victory SoCal.” Napapadpad din sila sa ibang estado tulad ng Florida, at laging sinasabi ni Mika sa caption na huwag mag-aalangan na pumunta sa isang lugar kung naniniwala sila na iyon ay “God’s will” o kalooban ng Diyos, na madalas niyang sinasabi, “Where God guides, he provides.” Sa mga litrato ni Mika, lagi din niyang sinasabi kung gaano siya pinagpala na napapaligiran siya ng mga taong makadyos, kaya madalas silang ilarawan bilang “godly couple.”
Ngunit ang imahe nilang iyon ay magbabago noong gabi ng Hunyo 26, 2022. Ayon sa prosecutor, kung makadyos si Christopher, ay mayroon naman itong itinatagong “pagkademonyo.” Sinabi nito na ang rason kung bakit ayaw ng pamilya ni Mika kay Christopher ay dahil sa pagkamayabang, hambog, at pagiging mainitin ang ulo ni Christopher. Ginawa ng pamilya ni Mika ang lahat upang sabihin na makakahanap pa siya ng ibang lalaki, ngunit ayaw makipaghiwalay ni Mika. Kaya kalaunan ay hinayaan na lamang nila ito.
Ngunit nang gusto nang magpakasal ng dalawa, tumanggi si Rogelio na ibigay ang kanyang pagpapala. Kaya pala naging simple lamang ang selebrasyon nina Mika, at mapapansin na ang panig ng bride ay halos wala sa okasyon. Noong una, lahat ay tahimik, ngunit nanggalaiti si Christopher nang masaksihan kung gaano naging supportive sina Rogelio sa kasal ng kanyang anak na si Robby. Ang kawalang suporta ng mga magulang ng kanyang misis sa kanilang kasal ay ikinasama ng loob at ikinagalit ni Christopher. Mas nag-init pa lalo ang kanyang ulo nang makarating sa kanya ang balita na siya ay pinagtatawanan umano ng mga ito at walang bilib ang pamilya ni Mika sa kanya.
Upang hindi siya pangunahan ng kanyang emosyon, kinausap ni Christopher ang mga tao sa kanilang simbahan. Ngunit ang payo ng mga ito ay hindi niya pinakinggan sapagkat nabalot na siya ng galit. Kaya bago sumapit ang alas-10 ng gabi noong Hunyo 26, 2022, ang galit na galit na si Christopher ay nagbiyahe patungo sa bahay ng kanyang biyenan. Tinangka pa itong pigilan ni Mika, ngunit mas nanaig ang galit ni Christopher. Nang makapasok sa bahay, dumiretso siya sa second floor kung saan nakita niya si Rogelio. Sinigawan niya ang matanda ng mga salitang “tatlong taon,” na ibig sabihin ay ang tagal ng panahon na hinintay niya para ibigay ang pagpapala nito. Pagkatapos, pinaputukan niya ito ng ilang beses. Nang makita niya si Robby na nakikipag-usap sa telepono, walang habas din niya itong pinaputukan gamit ang kanyang semi-automatic pistol.
Sa autopsy, lumabas na dead on the spot si Rogelio pagkatapos tamaan ng dalawang bala sa ulo at dibdib. Habang si Robby naman ay tinamaan ng anim na bala ng baril. Nagawa pa nitong makatakas gamit ang itim na minivan. Ngunit dahil sa bilis ng pagresponde ng mga awtoridad, si Christopher ay mabilis na nadakip.
Noong Hunyo 6, 2024, si Christopher ay hinatulang guilty at sinentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong nang walang parol. Sa pagtatapos ng trial, sinabi ng judge na kahit wala na siyang magagawa para maibalik ang buhay ng mga biktima, sana ay nabigyan niya ang mga ito ng hustisya sa pamamagitan ng parusang ibinigay niya sa suspek. Ang mga kamag-anak ng biktima ay kuntento sa parusang ibinigay sa suspek. Ngunit nainis sila sapagkat sa hearing ay hindi nila nakitaan ang anumang pagsisisi kay Christopher. Sinabi rin nila na si Mika ay isang “delusional na asawa” dahil kahit sa huli ay nasa panig pa rin ito ng kanyang asawa na isang mamamatay-tao.
Nang mailibing ang mga biktima, nabunyag na nagdadalang-tao pala si Suzy. Kaya ang mga kaibigan nito ay nagbukas ng GoFundMe upang makatulong sa kanya sa pagsisimula nang wala si Robby. Ang bata ay mahigit dalawang taong gulang na ngayon, at ngayong taon lamang, tila nakakabuo na muli si Suzy dahil nagkaroon muli siya ng bagong karelasyon, at ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang sanggol na babae.
Ang kuwentong ito ay isang trahedya na nagpapakita kung paano ang inggit at poot ay maaaring sumira sa isang pamilya at kung paano ang mga lihim na damdamin ay maaaring magdulot ng matinding kalupitan. Ito ay isang paalala na ang tunay na halaga ng buhay ay hindi nasusukat sa yaman o tagumpay, kundi sa pagmamahal, respeto, at pag-unawa.
News
Ang Lihim sa Likod ng Belo
Ang buhay ko ay parang isang modernong fairytale. Ako si Clara, isang simpleng dalaga na pinalad na umibig at ibigin…
SINO SIYA?! Ang Nakakapanindig-Balahibong Misteryo sa Likod ng Bagong Kapamilya A-Lister Aktres: Ganda, Talento, Karisma, at Isang Malaking Proyekto – Handa na Ba ang ABS-CBN sa Kanyang Pagdating na Yayanig sa Showbiz?
Sa dynamic na mundo ng Philippine entertainment, kung saan ang mga bituin ay sumisikat at lumulubog nang may bilis, mayroong…
ISANG REYNA NG SHOWBIZ, MAGBABALIK NA SA KAPUSO NETWORK? ANG MGA LIHIM NA CLUE AT NAKAKAGULAT NA PAHAYAG NA NAGPAPAHIWATIG SA PINAKAHIHINTAY NA COMEBACK NG ISANG ALAMAT SA TELEBISYON!
Sa dynamic na mundo ng Philippine entertainment, kung saan ang mga bituin ay sumisikat at lumulubog nang may bilis,…
NAKABABALIW NA PAGLALAKBAY SA PUSO NI GERALD ANDERSON: Kilalanin ang 11 Babaeng Nagbigay Kulay, Kilig, at Kontrobersya sa Kanyang Buhay—Mula sa Mga Unang Pag-ibig Hanggang sa mga Huling Hiwalayan na Yumayanig sa Showbiz!
Sa mabilis at punong-punong-intriga na mundo ng Philippine showbiz, kakaunti ang nakakakuha ng parehong antas ng atensyon at diskusyon tulad…
Naku Po! Ang Nakakapanindig-Balahibong P30 Milyong Donasyon na Yumayanig kay Senador Chiz Escudero: Ang Pag-Amin, ang Nawawalang Pondo, at ang Nakakagulat na Paglobo ng Bilyon-Bilyong Kontrata – Ito Ba ang Magpapahaba sa Kanyang Panunungkulan sa Senado o Magiging Dahilan ng Kanyang Pagbagsak?
Sa labis na pinagdedebatehang tanawin ng pulitika sa Pilipinas, kung saan ang mga pangalan ay mabilis na umaangat at…
NAKAKAGULAT NA TSISMIS, YUMANIG SA BUONG BANSA! TVJ, SENTRO NG MGA TEORYA MATAPOS KUMALAT ANG LARAWAN NI VIC SOTTO SA ISANG LAMAY! ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAGPANAW NI JOEY DE LEON, INILABAS NA!
Sa loob ng halos limang dekada, ang pangalan ng TVJ—Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—ay naging kasingkahulugan na…
End of content
No more pages to load