Ako si Agnes, trenta’y singko na ‘ko ngayon. Sampong taon na kaming kasal ni Jun. Si Jun ay kababata ko, sabay kami halos na makatapos ng elementary at highschool.
Hindi ako nakatapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay, bukod don ay umuwi din si Jun sakanilang lugar sa Cebu kaya 4th year highschool lamang ang natapos ko.
Hindi pa non uso ang grade11-12 kaya naman, disi otso palang ay graduated na ‘ko.
At disi otso palang ako ay nagtrabaho na ‘ko, wala na kaming naging contact ni Jun simula ng umuwi ito sa Cebu.
Nanatili akong single sa luob ng maraming panahon dahil ang puso ko ay nasa isang lalaki padin na matagal na taon ko ng hindi nakikita o nakakausap.
Namasukan akong kasambahay sa mayamang pamilya, naging tindera sa karenderya o panaderya at kung ano ano pa. Breadwinner ako sa magkakapatid kaya naman wala sa isip ko ang kovelife.
Isa pa ay may lalaki din talaga akong inaantay.
Anim na taon.
Anim na taon ang lumipas ng makita kong muli si Jun, nagkausap kami at nagkaroon ng komunikasyong ng dalawin niya ang dati nilang tirahan, kagaya ko ay wala padin itong kasintahan sa matagal na panahon.
At don na nag simula ang lovestory naming dalawa.
Bente singko na ‘ko ng ikasal kami at kinuha niya na ko at inuwi sa cebu. nagsama kami ng limang taon ngunit hirap kaming magkaanak o makabuo. Hindi naman nagbago ang pagmamahal ni Jun simula ng ikasal kami kahit wala pa kaming anak.
Naisip niya na habang nag aantay sa magiging anak namin ay subukan niya munang mag abroad at magpundar bago namin subukan ulet ang magkaanak.
Pumayag naman ako at mabilis naman itong nakapag apply sa ibang bansa bilang welder dahil iyon ang natapos niya sa tesda nong umuwi ito sa Cebu.
Naging tapat naman kami sa isat isa at inuna ang magpundar ng sarili naming bahay habang nasa abroad ito, paunti unti ay ipinatayo namin ang dalawang palapag na bahay dito sa Cebu.
Hindi ito mabilis na naitayo dahil sa mahal ng materyales at iba pang gastosin, inabot ng tatlong taon bago mabuo ang bahay.
Plano niya ng umuwi sana nuon ngunit hindi pa tapos ang kan’yang kontrata kaya inabot ng limang taon ang pananatili niya sa ibang bansa.
Sa awa naman ng diyos ay sa limang taon nito sa abroad ay nakapagpatayo kami ng bahay at maliit na tindahan.
Nakabili din ng hulugan sasakyan dahil hindi namin kaya ang cash.
At ng makauwi si Jun sa pinas ay sinubukan ulit namin na bumuo ng anak, nagawa na namin humingi ng tulong sa ispesyalista upang tulungan akong magbuntis at Naniwala na din kami sa hilot hilot dahil sa kagustuhan namin ni Jun na magkaanak.
Hanggang isang araw ay pinagkaluob nanga samin ni Jun ang magkaanak, saktong pang sampong anibersayo namin bilang mag asawa ng malaman kong buntis na ‘ko.
Laking pasasalamat ni Jun sa diyos na sa wakas ay nabiyayaan nadin kami ng anak, sampong taon din namin ito na inantay at ngayon ay nabuo din.
Mayroon na kaming bahay at negosyo, mayroon na kaming sapat na pera at kakayahan na bumuhay ng bata kaya naman sobrang saya namin mag asawa.
Sobra sobra ang pag aalaga ni Jun sa ‘kin habang ipinagbubuntis ko ang unang anak namin ng siyam na buwan.
Pakiramdam ko din ay nanibago ang katawan ko dahil trentay singko na ‘ko bago magbuntis, at masyado nangang late pero masaya padin kami ni Jun na pinagkaloob sa ‘min sa tamang oras at panahon.
Gabi na ng magpahinga kaming mag asawa, nakatakda ang huling check up ko bukas dahil ilang araw nalang ay kabuwanan ko na.
Alas otso ng gabi ay hindi na ‘ko mapakali at pabangon bangon para uminom ng tubig, maalinsangan at tahimik ang gabi.
Pahiga na ‘ko ng maramdaman ko ang pangingirot ng aking tyan, kasabay non ay ang paninigas nito kasabay din ang pangangalay ng balakang.
Pabalik balik ako sa banyo dahil pakiramdam ko ay para akong nadudumi matagal akong naupo sa bowl ngunit hindi wala naman nangyayari.
Nagpasya akong humiga na at pilitin ang matulog dahil mag aalas nuwebe na. Ilan minuto palang akong nakakahiga ng maramdaman ko ang pagyanig ng bahay.
Mahimbing na natutulog si Jun ng mga oras na ‘yon na taranta kong ginising, sobrang lakas ng lindol kaya naman inalalayan niya kong bumaba ng bahay habang patuloy na sumas4kit ang aking tyan.
Sinabi ko sakan’ya na pakiramdam ko ay anumang oras ay manganganak na ‘ko, lumabas kami ng bahay dahil sa lakas ng lindol.
Ngunit bigla s’yang bumalik sa luob, sinubukan ko s’yang tawagin dahil ang lakas talaga ng lindol ngunit nagpumilit s’yang kunin ang gamit ng anak namin sa kwarto para iready na sa panganganak ko.
Hindi pa man siya nakakalabas ng madinig ko ang malakas na pagb4gsak ng parti ng bahay, wala akong magawa kung ‘di ang magsisigaw sa labas dahil hindi ko pa nakikita ang asawa ko.
Lahat ng kapitbahay namin ay nagsilabasan na sakanya kan’yang bahay dahil sa lakas ng lindol at nagbab4gsakan na ang mga bahay.
Para akong tat4kasan ng bait ng tuluyan na gumuho ang bahay, walang Jun na nakalabas.
Lahat ng pinaghirapan ni Jun ng limang taon ay naging abo, ang masaklap pa non ay buhay s’yang naguhuan ng buong bahay.
Para akong nanghihina dahil sa labis na pag iy4k, walang natira ni isa ang naisalba ultimo ang kotseng hindi pa tapos na hulugan ay wala na.
Patuloy ang paglindol pati ang pananakit ng tyan ko, napah4wak ako sa tyan ko ng hindi ko na kaya, halos mapasigaw ako sa s4kit ng tyan ko kaya naman nagtulong tulong ang mga kapitbahay namin upang mailabas ko ang anak namin ni Jun.
Sa bawat pag iri ko ay patuloy ang pag galaw ng lupa.
Tagaktak ang butil ng pawis sa buo kong katawan kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Tumigil ang pag lindol ng marinig ang iy4k ng sanggol.
Muli akong napaiy4k habang yakap ang anak namin ni Jun habang nakatingin sa malaking bahay na gumuho.
Tuluyan na itong natabunan, hindi na ito nakalabas pa ng buhay. At tuluyan niya nadin kaming iniwan.
Hindi manlang nasilayan ni Jun ang anak namin kalahating oras bago ko ito isilang.
Walang natira sa ‘min ng anak ko na kahit ano, pati ang ama ng anak ko ay wala na. Ang sampong taon na paghihintay ni Jun sa anak namin ay nasayang dahil hindi manlang niya ito nakapiling.
Sa isang iglap ay nawalang lahat sa ‘kin.
Dinala kami sa evacuation center dahil kahit sa hospital ay hindi din safe, magdamag kami ng baby ko don habang patuloy sa pag iy4k.
Nabalitaan na ng mga magulang ni Jun ang nangyari kaya pinuntahan nila ako, malayo ang bahay namin sa bahay ng mga magulang ni Jun kaya’t wala ito ng mangyari ang paglindol.
Tulala akong magdamag at hindi makapaniwala.
Kinaumagahan na kami nakabalik sa bahay at hanggang ngayon ay naiiy4k padin ako habang hinahanap ang labi ni Jun.
Nahirapan itong mahanap ang katawan ni Jun malapit na palabas ng pinto katabi ng gamit ng anak namin.
Ilan hakbang nalang ang layo ngunit hindi na ito umabot pa.
Sobrang s4kit para sa ‘kin, buong buhay ko ay si Jun ang lalaking minahal ko. Maraming taon namin na inantay ang isat isa. Maraming taon kaming nag antay na magkaroon ng anak.
Ngunit bakit kung kailan hawak ko na ang anak namin ay don naman nawala sa ‘min si Jun?
Paano kami mag uumpisang muli sa buhay ng anak natin gayon wala kana Jun? Paano ko kakayanin?
News
David Licauco’s Shocking Confession: The Secret Behind His and Barbie Forteza’s Relationship Silence Is Finally Revealed – Is This the Fine Line Between the Spotlight and Absolute Privacy?
In the dazzling world of Philippine showbiz, where every gesture and every word is scrutinized under the public spotlight,…
Showbiz Shockwaves: Is Sanya Lopez, GMA’s Reigning Leading Lady, About to Make a Blockbuster Leap to ABS-CBN, Redefining Her Career and the Network Wars?
The Philippine entertainment industry is abuzz with a fervent and captivating rumor that could dramatically reshape the landscape of local…
Philippine Showbiz Stunned: Three Massive Stars Reportedly Set to Become Kapamilyas – Is This the Network Transfer That Will Redefine the Entertainment Landscape?
The Philippine entertainment industry is bracing for an unprecedented earthquake, as recent rumors and tell-tale signs suggest that…
Ang Agos ng Tadhana
Ang araw ni Elena ay laging nagsisimula bago pa man magising ang siyudad. Ang kanyang alarm clock ay ang unang…
The Shadow King of Stolen Wheels: Unmasking the Brutal Reign and Shocking Downfall of Randy Padilla, Manila’s Notorious “Carnap King”
In the pulsating, often chaotic urban landscape of Manila in the 1980s, a specific kind of notoriety permeated the streets….
The Cursed Names: Unveiling the Dark Secrets of the Philippines’ Most Treacherous “Heroes” and Their Journey of Trading Loyalty for Power
The history of the Philippines, woven from the heroic threads of resistance and steadfast patriotism, also harbors dark and painful…
End of content
No more pages to load