Ano ba ang issue ni Kier Garcia o mas kilalang Fhukerat sa Dubai immigration?
Usap-usapan sa social media si Fhukerat dahil hindi ito pinayagan ng Dubai immigration na makapasok sa naturang bansa.
Kung ating babalikan, nasa airport palang ang content creator kasama ang team ng CEO na si Queen Hera ay ibinahagi na nito na papunta sila sa ibang bansa pero hindi nito sinabi kung saan patungo ang kanilang International flight.
Ani Fhukerat : “Hello, mga ka fhukerat. Nandito ako sa airport, hindi ko muna sasabihin kung saan ako pupunta para hindi niyo alam. Para surpise.”
Ngunit matapos ang ilang sandali, ibinahagi ni Fhukerat na hindi siya pinayagan na makapasok sa Dubai matapos ma-offload sa mismong bansa.
Fhukerat’s social media posts
Pagbabahagi niya : “Nasa Dubai na pinauwi pa! Grabee.” dagdag pa niya : “Naiiyak ako na nangingig at takot!”
Matapos ma-offload, pinabalik si Fhukerat sa Pilipinas dahil hindi na ito pinayagan na makapasok pa sa Dubai.
Chika ni Fhukerat : “Nasa Pilipinas na ako. Thank you, Lord! Grabe! Sakit ng katawan ko. Sakit ng tyan ko kasi gutom ako wala akong kain. Kakain lang muna ako kasi wala akong matinding kain for almost nine hours.”
Dahil marami sa mga netizens ang napatanong kung ano ba ang tunay na rason kung bakit hindi pinapasok sa Dubai ang content creator. Agad na nagsalita si Fhukerat.
Dito na ibinahagi ni Fhukerat na ang pagka-denied niya sa Dubai immigration ay hindi dahil sa kanyang kasuotan, fake eyelashes o sa kanyang full face makeup.
Ang tanging rason lang raw ay “identity do not match your passport” ito ay ayon raw sa Dubai immigration officer.
Paglilinaw niya : “Kapag tiningnan ako, mukha akong babae, pero sa passport ko ay male. ‘Yun ang basehan ng ‘identity mismatch.’”
Dagdag pa niya : “Hindi ko naman inapakan ang pagkatao ng kahit sino nung na-deny ako. Ako nga ‘yung naapektuhan, ako ‘yung dumaan doon hindi sila. Kaya nakakapanlumo how some people feel so entitled to speak on things they never experienced themselves.”
Dito na naglabas ng pahayag si Queen Hera matapos itong makaladkad sa Dubai issue ni Fhukerat, marami kasi sa mga netizens ang nagsasabi na planado raw nila na ma-offload ang content creator upang mapahiya ito sa Dubai.
Ayon sa CEO, hindi nila alam na masyadong estrikto sa kasalukuyan ang Dubai immigration dahil ilang taon na rin silang hindi nakabalik sa naturang bansa. Wala rin raw katotohanan na sinadya nilang ma-offload si Fhukerat dahil lahat ng gastos ay nagmula pa sa kanya.
Lumabas rin ang katotohanan na hindi lang ‘identity mismatch’ ang naging issue ni Fhukerat, maraming grounds o violations raw na ginawa ang content creator kahit kakalapag palang nito sa Airport ng Dubai.
Ang violations raw ni Fhukerat ay masyadong maingay sa loob at paglabas ng eroplano, sa mismong airport at nagawa pa nitong mag-cr sa girls comfort room na matinding ipinagbabawal sa Dubai.
Dito na nakunan ng mga CCTV ang content creator dahilan upang harangin na siya ng Dubai immigration officers.

Habang naka-hold pa raw ang content creator ay nagawa pa nitong sabihan ang mga immigration officers na : “I am celebrity! I’m famous!”.
Sagot raw ng Dubai immigration : “this is not about the dress — this is about national security.”
Sa kasalukuyan, naka-blocked na si Fhukerat sa social media accounts ng CEO na si Queen Hera matapos ang nangyari na hindi nila inaasahan sa Dubai.
Ani Queen Hera : “Gusto ko nalang ng tahimik, mag business at magpakananay nalang. Pero nakalimutan nyo din ata ang ugali ko dati na pwde maibalik anytime basta naabuso na ako. Lalo na pag napapahamak na ang reputasyon ng mga kasama ko. At nadamay na din pati business ko.”
Dagdag pa niya : “Sobrang haba ng pasensya ko pero once madamay na ibang tao, may nakita na ako damage sa isang tao na super bait. Palagi ako rumiresbak, lagi ako magsasalita at ipagtaanggol ko mga taong tumulong saakin, di kagaya mo , sarili mo lang iniiisip mo. İkaw palagi kawawa!! Mali yan !!! Baguhin mo yan before its too late.”
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load







