Kumaripas ako ng takbo ng malaman ko ang totoo. Nagsisisigaw ako sa banyo,putlang-putla ako, nanginginig. Nakaluhod sa sahig, wala akong masabi. Si Liam, kumakatok sa pinto, “Babe, Buksan mo ang pinto?” Pero hindi ko masagot. Paikut-ikot sa utak ko ng narinig naming “magkapatid kayo.” Sa ama namin. Sa dugong pareho.

Ako si Lianne, tubong Samar. Lumaki akong puno ng tanong pero di ko ‘yon pinansin. Anak daw ako ng isang backhoe operator na nadestino sa aming lugar. Wala siyang iniwan kundi pangalan. Sabi ni Mama, single raw siya, kaya’t nabuo ako. Pero hindi pala totoo iyon.

Pagkatapos ng proyekto na flood control sa lugar namin, nawala siya parang bula. Iyak nang iyak si Mama noon pero tiniis niya. Pinalaki niya ako nang mag-isa. Kahit mahirap, hindi niya pinatikim sa akin ng gutom. Kahit walang ama, masaya ang buhay namin—akala ko sapat na iyon.

Tahimik ang baryo namin, pero maingay ang mga tsismis. Laging may nagsasabi na “playboy daw ang tatay mo.” Pero inilihim ni Mama ang buong detalye. Ang tanging alam ko, anak ako ng isang lalaking hindi ako pinanagutan. At hindi ko na inusisa pa. Ayokong masaktan si Mama.

Masinop si Mama. Tinuruan niya akong magtiis at mangarap. Natapos ko ang kolehiyo sa Tacloban sa kursong Nursing. Nagsumikap akong makapasa sa board exam, at sa tulong ng mga kamag-anak at kapitbahay, naka-abroad ako papuntang Dubai. Doon nagsimula ang bagong yugto ng buhay ko—at ang pagkawasak nito.

Sa Dubai ko nakilala si Liam. Unang tingin pa lang, parang hinugot mula sa pangarap. Mabait, masipag, at responsable. Hindi siya gaya ng ibang lalaki. Tinulungan niya akong mag-adjust, tinuruan ako ng budgeting, at naging best friend ko siya. Hanggang isang araw, naging kami at inaya niya akong tumira kasama sa apartment niya.

Nag-live-in kami sa isang maliit na apartment malapit sa trabaho. Doon ako unang nakaramdam ng totoong pamilya. Lahat ng kulang sa pagkabata ko, binuo ni Liam. Ang tawag niya sa akin, “My angel.” Ako naman, buo ang tiwala sa kanya. Parang kami talaga ang itinadhana.

Pagkatapos ng halos apat na taon, nagdesisyon kaming umuwi para magpakasal sa Pilipinas. Masayang-masaya ako. Excited akong ipakilala siya kay Mama, at siya rin daw, gustong-gusto nang makita ang mga magulang ko. “Perfect timing,” aniya. Hindi ko alam, ‘yung sinasabing timing, siya rin palang sisira sa lahat.

Sa unang araw ng pag-uwi namin, nagpunta agad kami sa probinsya para ipakilala si Liam kay Mama. Niyakap siya ni Mama, pero parang may bahagyang pangamba sa mga mata niya. Hindi ko binigyang pansin. Baka kinakabahan lang siya, o baka naaalala lang niya ang nakaraan niya.

Sumunod na linggo, sinamahan ko naman si Liam sa Leyte kung saan daw nakatira ang ama niya. Kasama namin si mama dahil gusto niya pumasyal ng Leyte. Pagdating namin nagulat ako sa itsura ng bahay ewan ko at d ko maipaliwanag. Sa gate pa lang, parang kinilabutan na ako. At nang lumabas ang matanda, d ko alam kung bakit kinakabahan ako.

“Siya ang… tatay ko,” bulong ni Liam sa akin. Nagmano ako Natahimik ako pero si mama bumagsak sa gulat. D ko alam kung ano ang dahilan, akala ko gutom lang, ng magkamalay si mama ay doon na kami nag usap usap. Si Mang Ruben—ang lalaking nakilala ni Mama bilang backhoe operator ay ang ama ko. So magkapatid pala kmi ni Liam. Humagolhol ako ng iyak at tumakpo sa banyo. Si Liam ay nagsisigaw na hindi maari at sinuntok ang pader nila.

Makalipas ang ilang oras lumabas na ako sa banyoat hinarap sila. “Mang Ruben?” tanong ko, nanginginig. Hindi siya makatingin sa akin. Si Liam, tahimik. Hindi na kailangang sabihin—pareho naming naramdaman. Magkapatid kami. Sa ama. Sa dugong hindi itinama. Ang lalaking minahal ko ng buong puso, kapatid ko pala sa pagkatao. At huli na ang lahat.

Umiyak ulit si Liam. Umiyak ako. Para kaming mga ibong ginapos ng tadhana. Hindi kami makapaniwala. Ang mundong masaya naming binuo, ngayon ay guho. Isang bangungot na hindi magigisingan. Masakit. Nakakabaliw. At ang pinakamalala sa lahat—buntis ako. Sa sariling kapatid ko. Sa lalaking hindi ko alam, kapamilya pala.

Gusto ko nang kitil*n ang buhay ko. Gusto kong magsisi. Gusto kong m@matay. Pero buhay ako. Buhay kami. At may buhay sa loob ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ko at kamag anak ko. Hindi ko alam kung paano haharap sa mundo. Lahat ng plano, lahat ng pangarap—wala na. Wasak. Durog. Imposible.

Sa mga araw na sumunod, hindi na kami lumabas ng bahay. Si Liam, halos hindi kumain. Ako, laging tulala. Wala kaming ibang masisisi kundi ang ama naming parehong duwag. Sa halip na magsabi ng totoo, nag-iwan ng lihim na ngayo’y naging sumpa. Hindi lang sa amin, kundi sa bata.

Sinubukan naming itanong sa pari. Nakiusap. “May pag-asa pa ba kami?” Pero iisa lang ang sagot: “Hindi. Dugo ninyo ang isa.” Lalong bumaon sa puso naming dalawa ang realidad. Hindi namin pinili ito. Hindi namin sinadya. Pero kami ang magbabayad. Hanggang kailan? Hanggang saan?

Umuwi ako sa Samar, mag-isa. Hindi sumama si Liam. Bumalik siya sa Maynila para lumayo. Naiwan ako kay Mama, umiiyak gabi-gabi. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi siya nagsalita. Umiiyak lang siya habang hinahaplos ang tiyan ko.

Minsan gusto ko nang ipa-abort. Pero bawat tibok ng puso ng bata sa tiyan ko, parang nagsusumigaw na “Kasalanan niyo ito, pero wala akong kasalanan.” Bata siya. Wala siyang alam. At kahit masakit, siya lang ang natitirang alaala ng pag-ibig namin ni Liam—kahit bawal, kahit mali.

Lumipas ang mga buwan. Hindi na kami nagkita ni Liam. Hindi ko rin alam kung babalik pa siya. Pero isang araw, tumanggap ako ng sulat. Galing sa kanya. Nakasaad: “Aalagaan ko kayo kahit malayo. Pero hindi na pwedeng maging tayo.” Sumunod na buwan, ipinadala niya ang suporta.

Isinilang ko ang bata sa parehong ospital kung saan ipinanganak ako. Lalaki. Magkamukha sila ni Liam. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko o ikalulungkot. Pero nang una ko siyang yakapin, naramdaman kong hindi na ako mag-isa. At may dahilan pa pala para mabuhay. Para lumaban.

Pinangalanan ko siyang “Lior” galing sa pangalan naming dalawa: Lianne at Liam. Hindi siya magiging sikreto. Ipapaliwanag ko sa kanya balang araw ang totoo. Hindi siya kasalanan. Isa siyang himala sa gitna ng pagkakamali. At sana, mapatawad niya kami. Sa mga sugat na hindi naming ginusto.

Ngayon, apat na taon na si Lior. Masayahin siyang bata. Matapang at matalino. May sulat siya lagi para kay “Papa Liam,” kahit hindi niya pa ito nakikita. Pinapadala ko ‘yon sa email. Hindi na kami nagkikita ni Liam. Pero sapat na ang kaalamang pareho naming mahal ang anak namin.

Minsan, tinatanong ako ng anak ko, “Mama, bakit wala akong lolo?” Ngumingiti lang ako. Sasabihin ko rin ang lahat sa tamang panahon. Ang katotohanan ay mahirap lunukin, pero kailangang tanggapin. Wala kaming kasalanan noon, pero may responsibilidad kami ngayon—ang itama ang pagkakamaling hindi namin sinimulan.

Ang sugat na iniwan ng lihim ay mahapdi pa rin hanggang ngayon. Pero araw-araw, pinipilit kong magmahal nang tama, itaguyod ang anak ko nang buo, at maging ilaw sa gitna ng kadiliman. Ang nakaraan ay hindi ko mababago. Pero ang bukas ng anak ko—nasa kamay ko na.

Sa wakas, natutunan ko ring patawarin ang sarili ko. Hindi ko pinili ang kapalaran na ‘yon. Pero pinili kong itaguyod ang bata, ang buhay, at ang pagmamahal—kahit masakit. Dahil kahit gaano kabigat ang tadhana, may liwanag pa ring natitira. At ang liwanag na ‘yon, anak ko ang pangalan.