Klea Pineda answers speculations that the reason for their breakup is cheating.

Klea Pineda on breakup with Katrice Kierulf: “Mutual decision yung nangyari, mutual yung breakup namin…. And na-realize namin na hindi na kami nakakatulong sa isa’t isa. Parang pinu-pull down na lang namin yung isa’t isa. Parang umabot kami sa ganoong point.”
PHOTO/S: Instagram
Nagwakas na ang same-sex relationship ng StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda at ng kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf.
Ipinagtapat ni Klea ang pagtatapos ng kanilang tatlong taong relasyon sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, Hulyo 18, 2025.
Mangiyak-ngiyak at malalim ang mga buntung-hininga ni Klea nang isiwalat nitong hindi na nila natutulungan ni Katrice ang isa’t isa kaya naghiwalay na sila, isang buwan na ang nakararaan.
Lahad ng Kapuso actress: “May kanya-kanya kaming priorities.
“Mutual decision yung nangyari, mutual yung breakup namin.
“And umabot na kami sa point na gusto niyang unahin yung sarili niya.
“Gusto ko rin naman unahin yung sarili ko this time, piliin yung sarili ko this time.
“And na-realize namin na hindi na kami nakakatulong sa isa’t isa.
“Parang pinu-pull down na lang namin yung isa’t isa. Parang umabot kami sa ganoong point.”

Klea Pineda and Katrice Kierulf’s relationship lasted for three years.
Photo/s: Instagram
“Ang dami niyang naitulong sa akin. Ang dami kong natutunan sa kanya about love, about life, and I am sure ganoon din naman ang nagawa ko for her.
“Ang sakit lang ngayon kasi okay kami. Parang okay ang dynamics namin. Kabisado ko siya, kabisado niya ako.
“Sobrang ganda ng relationship namin ni Kat, pero may mga aspect nga lang talaga sa buhay namin na kailangan naming piliin yung sarili namin or unahin namin yung sarili namin.”
Binanggit ni Klea na ipinagpaalam niya kay Katrice ang pagsasalitang ginawa niya sa programa ni Boy Abunda tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Saad niya: “I’m trying na idistansiya ko yung sarili ko sa kanya kasi ibinibigay ko rin sa kanya yung respect, yung healing process niya, and may healing process din ako.
“Actually, bago ako mag-guesting dito, pumunta dito, hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba itong decision ko?
“Kausap ko si Kat kanina lang. Sinabi ko sa kanya na may guesting ako dito, kailangan kong sabihin na break na kami.
“Para rin alam niya yung nangyayari sa akin, yung mga gagawin ko, at yung mga ie-expect niya.”
Pagpapatuloy ni Klea: “Okay naman siya. Okay kami after breakup.
“Okay kami, walang galit sa akin, at sa kanya rin naman. Okay kaming dalawa.
“Mahirap lang kasi mabigat. Three years yun at sobrang ganda ng relationship namin.
“Ayokong kalimutan yon. Ayokong matanggal sa isipan ko yon.
“Ayokong kalimutan kung gaano kaganda yung pagmamahalan namin ni Kat.”
IS CHEATING THE REASON FOR THEIR BREAKUP?
May mga haka-hakang pagtataksil ang puno’t dulo ng paghihiwalay nina Klea at Katrice.
Para mabigyan ng linaw ang isyu, diretsahang tinanong ang aktres kung totoong may kinalaman ang cheating sa kanilang desisyong wakasan na ang relasyon dahil sa mga makahulugang social media post ng kanyang ex-girlfriend.
Ayon kay Klea: “Na-mention yan sa akin ng sister ko, kasi nga since in-unfollow na namin yung isa’t isa, wala na akong idea at all sa ginagawa niya sa social media niya.
“Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon yung mga repost niya or mga post niya kasi social media account niya yon.
“Ang sa akin lang, meron akong sarili kong values pagdating sa relationship.
“Bina-value ko yung loyalty, yung love namin, and yung respeto ko sa kanya. At hindi ko ever balak sirain yon.
“Hindi ko inisip na makasira ng tao dahil sa ganyang maling ginagawa, cheating.
“So, I think, sa post niya na yan, mas okay siguro if sa kanya manggaling kung bakit niya nagawa yon.
“Kasi hindi ko na siya nakausap about it. Ayokong magsalita for her.”
Diretsahang itinanggi ni Klea na nag-cheat siya kay Katrice.
“No,” sagot niya.
“Sobrang proud akong sabihin yon na no. Hindi ko kayang gawin yon kay Kat.
“Kasi masyado kong mahal yon kay Kat… so no.”
“No” rin ang sagot ni Klea nang tanungin ni Boy kung nag-cheat sa kanya si Katrice.
Aniya, “Knowing Kat, hindi niya kayang gawin yon kahit kanino. So, no.”
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load






