Elizabeth: “Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world.

Beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa, tinawag na “great love” si Dante Rivero. Sabi niya, “Of course, we have one son.”
PHOTO/S: Screengrab from Snooky Serna YouTube
Pagkagulat ang nagrehistro sa mukha ni Snooky Serna sa panayam niya kay Elizabeth Oropesa para sa kanyang YouTube channel.
Ito ay dahil sa rebelasyon ni Elizabeth na may anak ito sa aktor na si Dante Rivero.
Si Dante ang gumanap na ama ni Snooky sa 1970 movie na Wanted: Perfect Mother kaya personal silang magkakilala.
Hindi lamang si Snooky ang nagulat sa ipinagtapat ni Elizabeth.
Nagtaka rin ang ibang mga nakapanood sa kanilang pag-uusap dahil ngayon lamang nila nalamang may anak sina Dante at Elizabeth, na unang nagkasama noong 1975 sa pelikulang Lumapit… Lumayo ang Umaga.
“Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba,” ang pahayag ni Elizabeth.
Sinabi ito ni Elizabeth kahit alam ng lahat na nagpakasal sila noon at nagkaroon ng anak ng sikat na Chinese actor na si Meng Fei, pero humantong sa diborsyo ang kanilang pagmamahalan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nang itanong ni Snooky kung si Dante ang kanyang great love, sagot ni Elizabeth, “Of course, we have one son.”
Patuloy ni Elizabeth, “Yeah, hindi lang kasi ako madaldal. Noong araw kasi, hindi uso yung… wala naman social media.
“And then you don’t normally talk about your personal life before.”
Tanong ni Snooky, “How young is your son now?”
Sagot ni Elizabeth, “Magpo-forty.”
Ngayong Lunes ng gabi, Nobyembre 13, 2023, isang malapit kay Elizabeth na nakakaalam ng personal na buhay nito ang aming tinanong tungkol sa rebelasyon ng aktres na may anak sila ni Dante.
Pero iba ang bersiyon ng source.
Noong Nobyembre 13, 2002, eksaktong dalawampu’t isang taon na ngayon ang nakalilipas, may panayam kay Elizabeth ang namayapang kolumnista na si Ricky Lo.
Walang binanggit sa ulat ni Ricky tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Elizabeth at ni Dante.
“She has three grown-up children – Henry, a nurse, from her first marriage; Guinevieve (a.k.a. Princess) by boyfriend Mark Roces; and Gabriel, by Chinese action star Meng Fei from whom Elizabeth is divorced. She has an adopted son, Louie, now married,” ang bahagi ng artikulo ni Ricky tungkol kay Elizabeth.
ELIZABETH’S FUNNY MEMORY WITH ISHMAEL BERNAL
Ang National Artist na si Ishmael Bernal ang direktor ng Lumapit, Lumayo ang Umaga.
Si Bernal ang isa sa mga paboritong direktor ni Elizabeth na may nakakatawang anekdota tungkol sa pumanaw na kaibigan niya.
“Gusto po niya [Ishmael] na masiguro na siya ay hindi lalake. Kinausap niya ako, ‘Kapatid, tulungan mo naman ako. Puwede bang maghalikan tayo?’
“Sabi ko, ‘Ano? Tayong dalawa ang maghahalikan?’ ‘Oo kasi ang ganda-ganda mo. Titingnan ko lang kung may mararamdaman ako sa yo.’
“Nag-isip naman ako,” lahad ni Elizabeth.
Natatawang kuwento pa niya, “Kapatid ko naman ito. Sabi ko, ‘O sige magsesepilyo ako, magsepilyo ka rin. Mag-lips to lips kita.’
“Alam mo, nakakasuka kasi alam ko yung hinahalikan ko, kapatid ko na bakla.”
Sabi raw ni Ishmael kay Elizabeth noon, “O, di napatunayan ko sa tulong mo na girl ako!”
Sabi pa ni Elizabeth, “Ang idol niya noon, si Sophia Loren. So, siya si Sophia Loren, ako si Carlo Ponti. Ganoon po kami ka-close. Napakabait na tao, napakagaling na direktor at napakatalino.”
LORIA DIAZ
May anekdota rin si Elizabeth tungkol kay Gloria Diaz, ang bida sa Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, ang blockbuster movie noong 1974 na nagpauso sa mga wet look scene.
Si Elizabeth ang orihinal na bida ng pelikula, pero nagdesisyon si Gloria na mag-artista kaya ibinigay sa kanya ng direktor na si Celso Ad. Castillo ang pangunahing karakter sa Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Isinalaysay ni Elizabeth na napag-initan si Gloria ng mga ekstrang babae sa fight scene nila sa Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa dahil sa diumano’y kontrobersyal na pahayag noon ng kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss Universe.
“Ang nangyari sa Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, medyo sosyal si Glo. Hindi siya kumakain [nang nakakamay]. Maid lang ang kumakain nang nakakamay.
“E, yung mga ekstra, e, di masama ang tingin sa kanya. Ang ginagawa ko, palagi ko yang kinakampihan kasi meron noong eksena na nasa tubig kami, sa dagat.
“Kunyari, nag-aaway kami. Ang ginagawa ng mga ekstra, inilulubog siya talaga.
“Inaangat ko yan,” balik-tanaw ni Elizabeth.
Dagdag ni Elizabeth, “baligtad” ang nangyayari sa eksena na imbes na siya ang manakit kay Gloria ay siya pa ang sumasagip rito.
Sabi raw ni Elizabeth sa mga ekstra, “Sinasabihan ko, ‘Huwag ninyong ganunin.’”
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load






