Prince Alwaleed bin Khaled, nabuhay sa loob ng 20 taon sa tulong ng ventilator.

prince al-waleed sleeping prince

Prince Al Waleed bin Khaled bin Talal Al Saud passes away after 20 years in coma. He was 36.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na si Al Waleed bin Khaled bin Talal Al Saud, ang prinsipe ng Saudi Arabia na binansagang Sleeping Prince, nitong Sabado, July 19, 2025.

Siya ay 36.

Dalawampung taon na-coma ang prinsipe.

Hindi na nagkaroon ng malay si Prince Al Waleed dahil sa car accident na naganap nang nag-aaral siya sa isang military college sa London noong 2005, at nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang utak.

Kinse anyos lamang noon ang prinsipe.

Binawian ng buhay si Prince Al-Waleed sa King Abdulaziz Medical City, Riyadh, ang naging tahanan niya sa loob ng dalawang dekada.

Dalawampung taong nabuhay ang prinsipe sa tulong ng ventilator, pero hindi na nagising kaya nakilala siya bilang Sleeping Prince.

THE SLEEPING PRINCE

Si Prince Al-Waleed ang panganay na anak ni Prince Khaled bin Talal Al Saud.

Tumanggi noon si Prince Khaled na alisin sa life support ang kanyang anak.

Ipinalipat ni Prince Khaled si Prince Al-Waleed sa isang specialized medical facility dahil hindi siya nawalan ng pag-asang darating ang araw na magkakaroon ng malay ang kanyang anak.

Pero makaraan ang dalawang dekada, mapayapang sumakabilang-buhay ang Sleeping Prince.

sleeping prince

Prince Khaled (left) remained hopeful that his son, Prince Al-Waleed, will wake up from coma.
Photo/s: Instagram

Kinumpirma ni Prince Khaled ang pagpanaw ng kanyang anak sa pamamagitan ng kanyang X post.

Nakasaad dito: “O reassured soul, Return to your Lord, well-pleased and pleasing [to Him], And enter among My [righteous] servants, And enter My Paradise.

“With hearts believing in Allah will and decree, and with deep sorrow and sadness, we mourn our beloved son: Prince Al-Waleed bin Khaled bin Talal bin Abdulaziz Al Saud, may Allah have mercy on him, who passed away today.’”

Nakatakdang ilibing si Prince Khaled ngayong Linggo, Hulyo 20, 2025.