Trulili ba, Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala nagli-live in na?!Kathryn Bernardo at Mark Alcala
MUKHANG excited ang staff ni Lucena City Mayor Mark Alcala na linisin ang condo unit ng kanyang boss dahil binidyuhan niya ito sabay post sa social media without knowing na magiging viral ito.

Napansin kasi ng netizens ang leather sofa design sa condo unit ni Mayor Mark na “kakambal” ng pag-aari ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Deleted na ang post ng staff ni Mayor Mark pero na-screenshot na ito ng mga netizen.

Base ito sa kuwento ni Dyosa Pockoh sa “Ogie Diaz Update” vlog nina Mama Loi at Ogie Diaz na in-upload kahapon.

Sa screenscreen ng netizen na si i/ChikaPH mababasa ang, “Female staff of Mayor Mark Alcala posted a video of her cleaning his place and the whole living room impeccably looks like the unit of Kathryn Bernardo.”

Sabi ni Mama Loi, “Ayan o, di ba pareho ng sofa?”

Maintrigang tanong ni Dyosa Pockoh, “So ano ang ibig sabihin Mama Loi nagli-live in na sila ni mayor?”

Nagulat sina Mama Loi at Ogie sabay sabi ng huli, “’Wag kang padalus-dalos diyan Dyosa!”

 

“Kaya nga po kayo ang tinatanong ko,’” katwiran ni Dyosa Pockoh.

“Ako ba ‘yung staff na nag-post ng picture, bakit ako ang tinatanong mo?” katwiran ni Mama Loi.

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Base sa inyong opinyon?”

“Ang sinasabi ng netizen parang iisa ang sofa doon sa nilinis na apparently unit ni Mayor (Mark) at saka do’n sa ipinost ni Kathryn,” ani Ogie.

Sinuri namin ang dalawang larawan ng leather sofa nina Mayor Mark at Kathryn at parehong dark brown ang mga ito at pareho ring salamin ang nasa likod. Ang pagkakaiba lang ay walang kurtina ‘yung sa mayor at sa aktres ay mayroon. Pero sabi nga naglinis ang staff kaya posibleng tinanggal nito ang kurtina.

Anyway, hirit ulit ni Dyosa Pockoh, “Di ba, tito Ogie ang mga staff pinagbabawalang mag-picture?”

“Bakit naman kasi kayo kailangang mag-picture hayan tuloy may mga ganyang senaryo nako-compare sa sofa. Baka naman kasi magkaiba ang kanilang unit pero magkaterno ang kanilang sofa?” paliwanag ni Ogie.

“Malay mo twinning?” sambit ni Mama Loi.

“May mga ganu’n di ba Mqma Loi sa mga condo?” sabi rin ni Dyosa Pockoh.

Ipinagdiinan ng co-host ni Ogie na baka kasi ganitong disensyo ang uso kaya pinareho nina Kathryn at Mayor Mark ang kanilang sofa.

Tanong ulit ni Dyosa Pockoh, “So hindi talaga sila nagli-live- in Mama Loi?”

“Huy ano ba malay ko diyan!” gulat na sagot ni Mama Loi.

Hirit ni Ogie, “Bakit ka ba insist na nagli-live in?”

“E, kasi nga tito Ogie pareho ng sofa!” katwiran ng Batanguenong influencer.

Paliwanag ni Ogie, baka nga pareho lang ng inorder ang rumored couple dahil sabi nga ni Mama Loi, ito ang usong disenyo at kulay.

“Kung sakali mang nagli-live-in ‘yung dalawa, e, ano naman sa atin? Wala naman silang tinapakang ibang tao, pareho naman silang single at kunwari nga na nagli-live in na sila sa Makati o BGC (tinanong ni Dyosa Pockoh bakit may address na).

“Kunwar inga lang!” hyper na sagot ni Ogie.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Ano naman sa atin kung live-in sila, magsyota naman sila, hindi naman na sila minor.”

“Malay mo dumalaw lang ‘yung isa sa unit,” susog ni Mama Loi.

Pero tila nananadya si Dyosa Pockoh, “Ah dumalaw lang pala, hindi nagli-live in!”

Natatawa naman si Mama Loi sa kakulitan ni Dyosa Pockoh kaya naman sinabihan na siya ni Ogie ng, “Alam mo tumigil ka na, ha!”