Mainit ang araw sa Barangay Mabini. Sa gitna ng tahimik na kalsada, umalingawngaw ang matinis na boses ni Claudia.

“Ano ba ‘yan, Aling Pising? Araw-araw na lang may kalat kang ganito sa harapan ng bahay ko!”

Nakatingin siya sa matandang kapitbahay, habang bitbit ni Aling Pising ang walis tingning. Hindi nakasagot si Aling Pising, napayuko lamang.

“Pasensya ka na, iha,” mahinang tugon nito.

Pero hindi pa doon natapos si Claudia. “Pasensya? Yan lang ang alam mong sabihin? Kung hindi mo kayang linisin ang paligid mo, huwag ka na lang tumira dito!”

Mula sa loob ng bahay, pinanood ni Art, asawa ni Claudia, ang eksena. Sanay na siya sa ganitong eksena. Lumabas siya, mahina at maingat na lumapit.

“Claudia, tama na. Hayaan mo na lang si Aling Pising. Matanda na siya,” mahinang wika ni Art.

Mas lalo lamang nag-init ang ulo ni Claudia. “Ikaw ha, huwag kang makikialam! Hindi mo nga kayang disiplinahin ang sarili mong mga kasama sa trabaho, tapos gusto mo pang aralan ako?”

Napakamot na lamang ng ulo si Art. Tinapik niya si Aling Pising at bumulong, “Pasensya na ho kayo, Nanay. Ako na po ang maglilinis.”

Umalis si Claudia, nagngingitngit sa galit, at pumasok sa bahay. Binagsakan niya ang pinto, habang si Art ay tahimik na nanatili sa kusina.

“Ako na lang ba talaga ang may disiplina dito?” reklamo niya habang hinahalo ang ginisang ampalaya.

Tahimik si Art, pilit ngumiti. “Mahal, minsan hindi mo kailangang laging ipaglaban ang tama mo. Minsan kailangan mo ring unawain ang iba.”

Tumingin si Claudia nang masama. “Ano yun? Ako pa ang mali ngayon? Ako pa ang maga-adjust, Art? Huwag mo nga akong sinasabihan ng ganyan. Alam ko kung ano ang tama at mali. Alam ko rin kung sino ang may kasalanan. Huwag mong ipagtanggol ang mga taong bastos.”

Sa labas, dumadaan ang ilang kapitbahay, tahimik na nagbubulungan. Si Claudia na naman. Walang araw na walang sigawan sa kanila. Para sa kanya, ang mundo ay umiikot sa gusto niyang paraan. Wala siyang kaibigan, at kung meron man, matagal na itong tumigil sa pakikipag-usap.

Kinagabihan, habang nanonood si Art, narinig niya si Claudia sa telepono:

“Hay naku, Susan, ang tatanga talaga ng mga kapitbahay ko. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko na silang pinaalis dito sa barangay.”

Napailing si Art. Sa kanyang puso, may halong awa at pagod. Mahal na mahal niya si Claudia, pero hindi na niya alam kung hanggang saan ang kakayahan niyang magtiis. Tahimik siyang nanalangin:

“Panginoon, kung hindi ko po siya mapagbago sa salita, sana po kayo na lang ang magbigay sa kanya ng aral. Pero huwag niyo po siyang pababayaan. Mahal ko po siya kahit ganito siya.”

Habang nananalangin si Art, si Claudia ay nakatitig sa salamin. “Ang ganda-ganda ko pa rin kahit stress,” bulong niya sa sarili. Gumiti siya, ngunit sa likod ng hiting iyon, hindi niya alam na unti-unti siyang nawawalan ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Tahimik na kumakain sina Art at Claudia. Gaya ng nakasanayan, si Claudia ang unang nagsalita, hindi para magpasalamat kundi para magreklamo:

“Ak, ilang beses ko bang sasabihin sayo? Ayoko ng ulam na ganito. Bakit puro ganito na lamang ang niluluto mo? Parang wala kang kabuhay-buhay sa kusina!”

Huminga ng malalim si Art. “Pasensya na, mahal. Akala ko gusto mo lang ng simpleng pagkain. Simpleng pagkain lang… pati buhay natin, simpleng-simple na rin eh.”

Tahimik si Art, tumingin sa mukha ng asawa. Maganda si Claudia, pero puno ng galit at panunumbat. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali. Noong una, masayahin at malambing si Claudia, pero simula nang umangat sila sa buhay, nagbago ito. Parang unti-unting nilamon ng kayabangan.

Kinabukasan, maaga siyang umalis para pumasok. Sa kalsada, nakasalubong niya si Mang Carlo, kapitbahay nilang tricycle driver.

“Alam mo, Art, siguro tiisin mo na lang ang misis mo. Alam ko mabait ka at balang araw magbabago rin siya.”

Napangiti si Art, ngunit sa loob-loob niya, pagod na pagod na. Tuwing gabi, naririnig niyang pinag-uusapan ng mga kapitbahay ang asawa niya. Wala nang gustong lumapit sa kanila dahil takot mapahiya. Sa trabaho, napapansin ng mga katrabaho ang lungkot sa mukha niya.

“Pre, okay ka lang ba? Parang lagi kang lutang,” tanong ni Bong, kaibigan niya sa opisina.

“Okay lang ako, pre,” sagot niya, pilit ngumiti. “Mahirap lang minsan kapag yung taong mahal mo, parang hindi mo na makilala.”

Gabing iyon, dumating si Art sa bahay at nakita si Claudia na nakikipag-away muli—ngayon sa delivery rider:

“Saan ka ba nanggaling ha? Isang oras akong naghintay sa order ko. Wala kang kwentang rider!” sigaw ni Claudia.

Namula sa hiya si Art at lumabi. “Bahal tama na. Ako na ang mag-aasikaso,” sagot niya.

“Huwag mo nga akong papakialaman, Art. Alam mo kung katulad mo lang ako, sana marunong kang magpatupad ng disiplina,” wika ni Claudia, lumalayo.

Tahimik si Art, nakatingin sa kisame, iniisip kung paano matututo si Claudia. Ilang taon na niyang sinusubukan, ngunit tila hindi nagbabago. Kinabukasan, dinalaw niya ang kaibigan niyang doktor, si Dr. Nestor, at doon nabuo ang isang plano.

“Art, gusto mo bang magbago ang asawa mo? Hindi mo kailangang saktan o iwanan siya. Minsan kailangan lang niyang maramdaman ang takot at pagkabalisa na ibinibigay niya sa iba,” wika ni Dr. Nestor.

Napaisip si Art. “Doc… ibig mo bang sabihin, takutin ko siya?”

“Hindi mananakit kita. Pero kung matututo siya sa aral na ‘yon, baka bumalik ang dating asawa mo—yung marunong magmahal at magpakumbaba.”

Umalis si Art gabing iyon na may mabigat ngunit malinaw na plano. Hindi para maghiganti, kundi para turuan ng aral ang babaeng dating minahal niya ng walang kapantay.

“Panginoon, kung ito lang po ang paraan para matuto siyang magmahal muli, sana po gabayan niyo po ako,” bulong niya bago matulog.

Habang si Art ay nananalangin, si Claudia ay mahimbing na natutulog, walang kamalay-malay sa aral na nakatakdang matutunan. Isang hapon, matapos ang mainit na pagtatalo, nagpasya si Claudia na lumabas at mamalengke.

Habang naglalakad, umalingawngaw muli ang kanyang boses sa palengke:

“Ano ‘yong isda mo? Puro kaliskis pa tapos ganito mo presyuhan. Loko ka ba?”

Napayuko ang tindera, halos maiyak. “Pasensya na po, Ma’am. Bagong salang lang po kasi.”

“Pasensya ka diyan! Kung hindi ka marunong magtinda, huwag ka magnenegosyo!”

Nilingon siya ng mga tao, may ilan pang nagbulung-bulungan. Pag-uwi niya, dala-dala niya ang pagkain, kasama ang inis at yabang na lagi niyang sandata.

Pagsapit ng gabi, habang kumakain silang mag-asawa, bigla siyang napahinto.

“Aray, Art! Parang sumasakit ata ang tiyan ko,” wika ni Claudia, hawak ang sikmura.