
Andy Byron, CEO of AI-centric New York firm Astronomer, was caught with his arms around theKirstin Cabot, the head of his company’s Human Resources department. Byron is married to another woman, while Cabot is also married to another man.
PHOTO/S: X (Twitter)
Sangkot ang Coldplay vocalist na si Chris Martin sa viral scandal matapos makunan ng kamera na magkayakap ang isang high-profile tech tycoon at ang empleyado nito habang nanonood ng Music of the Spheres World Tour concert ng popular British rock band.
Ginanap ang concert ng Coldplay sa Gillette Stadium sa Foxborough, Massachusetts, USA, noong Hulyo 16, 2025.
Ang couple na nakunan ng video ay sina Andy Byron, CEO ng AI-centric New York firm na Astronomer, at Kristin Cabot, ang head ng Human Resources department ng Astronomer.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naisiwalat ang alleged affair ng dalawa.
Sa Kiss Cam segment ng pagtatanghal ng Coldplay, natutukan ng camera sina Byron at Cabot na magkayakap.
Nang mapagtanto ng dalawa na sila ang nakikita sa malaking screen monitor, biglang tumalikod si Cabot at pilit na ikinubli ang mukha.
Yumuko at umupo naman si Byron para magtago.
Coldplay accidentally exposed an alleged affair between Astronomer CEO Andy Byron and his colleague Kristin Cabot at one of their recent concerts. pic.twitter.com/hsJHV2u5UM
— Pop Base (@PopBase) July 17, 2025
Dahil sa ikinilos ng dalawa, maririnig na sinabi ni Chris Martin: “Oh, look at these two. Alright, come on, you’re OK! Uh oh. Either they’re having an affair or they’re just very shy.”
Ang Kiss Cam ang paghahanap ng cameraman ng magkaparehang matututukan ng kamera at hinihimok na maghalikan ng nagtatanghal at ng manonood.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Pero malaking perhuwisyo ang inihatid nito kina Byron at Cabot dahil pareho silang may mga asawa kaya hindi nagkamali si Chris sa sinabi nito.
Saksi ang 60,000 na nanood ng concert ng Coldplay sa Gillette Stadium sa kahihiyang inabot nina Byron at Cabot, na pinag-uusapan na ngayon sa buong mundo dahil nag-viral ang video ng eksena nila.
NETIZES INVESTIGATE PROFILES OF BYRON AND CABOT
Maagap ang netizens sa pag-iimbestiga tungkol sa pinaghihinalaang bawal na relasyon ng mga sangkot sa eskandalo.
Nahalukay nila ang LinkedIn post ni Byron nang kunin niya ang serbisyo ni Cabot bilang Chief People officer ng kanyang kompanya.
“Kristin’s exceptional leadership and deep expertise in talent management, employee engagement, and scaling people strategies will be critical as we continue our rapid trajectory,” papuri ni Byron kay Cabot.
Agad ding napag-alaman ng publiko na kasal si Byron kay Megan Kerrigan Byron, isang educator.
Nakatanggap agad ng mga mensahe si Megan matapos kumalat ang video ng kanyang asawa at ni Cabot na kuha mula sa concert ng Coldplay.
Nag-iwan din ang netizens ng komento sa Facebook account niya.
Ang eskandalong nangyari ang nag-udyok kay Megan na alisin sa Facebook profile nito ang apelyidong Byron.
Kinalaunan, tuluyan nang binura ni Megan ang kanyang Facebook account.
Patuloy namang tumatanggap ng mga batikos sina Byron at Cabot, na nalagay sa matinding kahihiyan dahil sa dapat sana’y “harmless” na komento ni Chris.
Pero ito pa ang naging instrumento para mabulgar ang kanilang pagkakamabutihan at pinaghihinalaang bawal na relasyon.
DID ANDY BYRON APOLOGIZE?
Kaugnay pa rin ng isyu, may kumakalat ngayong statement mula umano kay Andy Byron sa social media.
Nakasaad dito ang diumano’y paghingi ng tawad ni Byron sa kanyang asawa, pamilya, at kompanya.
The alleged statement of Andy Byron after the viral scandal.
Photo/s: X (Twitter)
Pero wala pang kumpirmasyon kung galing nga ang statement mula kay Byron.
News
GULAT ANG LAHAT! Toby Tiangco, Huli sa Video na Nagtatangkang Harangin ang Suspensyon ni Kiko Barzaga – ‘Trojan Horse’ sa Kongreso Nabunyag?
Sa isang mainit na tagpo sa loob ng Batasang Pambansa na tila hinugot sa isang pelikula, isang hindi inaasahang “plot…
HINDI NA NAKAPALAG! Kiko Barzaga, Pinatayan ng Mikropono at Sinuspendi ng 60 Araw Matapos ang Matinding Harapan sa Kongreso Dahil sa ‘Fake News’
Sa isang mainit at dramatikong tagpo sa loob ng Batasang Pambansa, tuluyan nang ibinaba ang kamay na bakal laban…
GUARD! KALADKARIN NIYO PALABAS ANG MATANDANG ‘YAN! ANG BAHO NIYA, NAKAKAHIYA SA MGA PASYENTE KO!
Napakalakas ng bagyo nang gabing iyon sa lungsod. Ang hangin ay humahagupit sa mga bintana ng St. Luke’s Medical City…
LUMAYAS KA RITO! ANG BAHO MO! WALA KANG PAMBAYAD KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGPAGAMOT DITO!
Sa gitna ng abalang lungsod ng Makati, nakatayo ang St. Raphael Medical Center, isang ospital na kilala sa makabagong kagamitan,…
The Uncomfortable Truth Exposed: Why the World’s Wealthiest Nations Are Reportedly Laughing at the Philippines and the Shocking Reason Behind Their Sudden Loss of Respect for the Pearl of the Orient!
It is a bitter pill to swallow for every patriotic Filipino, but a disturbing narrative is quietly circulating within the…
ARGUS Touches Hearts on Showtime as He Emotionally Bids Farewell to His Father
Manila, Philippines — It was a tear-filled episode of It’s Showtime as young singing sensation Argus delivered one of the most emotional…
End of content
No more pages to load






